CHAPTER 1: HOME SWEET HOME COUPLE!

33.7K 455 52
                                    

*This story contains emoticons. Bakas pa ang jejemon days sa way ng pagkakasulat.
*I will never edit this story, dahil dito ko nakikita ang difference ng pagsusulat at pag-iisip ko noon. (The truth is tamad lang talaga ako.)

CHAPTER 1: HOME SWEET HOME COUPLE!

Tatlong taon na ang nakalipas simula ng ikasal kami sa London.

Sa totoo lang ibang-iba ang buhay mag-asawa na inaakala ko sa buhay namin ni Kelvin ngayon.

Ang buong akala ko.. Titira kami ni Kelvin sa isang bahay kung saan pagsisilbihan ko siya araw-araw. Lalo kaming magiging malapit sa isat-isa kase magkasama kami sa bawat segundo ng buhay naming dalawa.

Pero kabaligtaran ang lahat.

Sa tatlong taon na nakalipas, magkahiwalay kaming dalawa.

Ipinagpatuloy kase ni Kelvin ang pag-aaral niya sa America.

Samantala ako mag-isa sa Pilipinas.

Ang sama di ba?

Ipinagpatuloy ko din naman ang pag-aaral ko eh. Dito nga lang sa Pilipinas.

Ang bongga nga ng celebration na ibinigay sa akin ni Mom Vira, Mommy ni Kelvin nang grumaduate ako ng two years HRM sa St. Dominic University. Feeling ko tuloy may award ako kahit na wala naman. Hindi naman kase ako matalino at alam nila yun.

Si Kelvin naman graduate na din last year. Halos magkasabay lang din kami nagtapos kaya lang, nagstay pa siya ng another one year sa America para sa official training nya bilang isang Heir ng kompanya ng pamilya nila.

Ang saklap talaga kung iisipin niyo. Ipinakasal nga nila kaming dalawa pero pinaghiwalay din naman.

Haay! Kung alam lang ni Kelvin kung gaano ko siya nami-miss. Halos araw-araw, gabi-gabi ko siyang iniisip.

Siya kaya 100% niya kaya akong namimiss? Sana lang.

Ang super tamad kase niyang magparamdam! Kapag naman nag-uusap kami sa phone or webcam mas mahaba pa ang pag-aasaran namin kesa sa kwentuhan ng mga nangyayari habang wala ang isat-isa.

Halos mabaliw na ako sa sobrang layo niya sa akin. Isang tulog na lang siguro na wala siya sa tabi ko, makikita niyo na akong pagala gala sa kalsada habang umiiyak at tumatawa ng mag-isa.

"Finally! After a long three years of being apart from my son, magkakasama na din kayo Glazy." Hinawakan ni Mom Vira ang kamay ko.

Nandito kase kami ngayon ni Mom Vira kasama ang apat na bodyguards sa arrival section ng airport.

Dadating na kase si Kelvin dito sa Pilipinas. And Im so excited!

Naiimagine ko na nga na pagkakitang pagkakita ko sa kanya tatakbo na ako ng pa-slow motion at sasalubungin siya ng isang mahigpit na mahigpit na yakap. Ahm... Im still thinking kung hahalikan ko siya. Wag na lang siguro. Ayaw nun ng PDA eh.

"Oh There he is! Kelvin!" Mom Vira shouted pero namaintain pa din niya yung poise niya. Ang sosyal ngang kumaway eh. Ano ka ba naman Glazy! Nandyan na nga daw si Kelvin eh di ba?

I looked at him. Isang mukhang professional na lalaki wearing a white pants paired with gray coat na may white fitted shirt sa loob.

Ang cool niya! Sobrang gwapo pa. I mean mas lalo siyang naging gwapo! Lalo yata akong maiinlove sa lokong to eh!

Nakangiti siya habang papalapit sa amin. Kaya lang ng malapit na siya napatingin siya bigla sa akin at nawala ang matamis nyang ngiti sa mukha.

Bakit? Nagka-amnesia ba siya at hindi na niya ako naaalala?

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon