S.C. One

194 4 2
                                    

"Aish,malelate nako."

First day na first late ako. Ang magaling kong ama di man lang ako ginising. Nakakaasar talaga.

" Hindi na kita ginising kasi ang sarap ng tulog mo eh. Nakakahiya naman na gisingin pa kita. Tulo pa nga ang laway mo."


Yan lang ang sinabi ng mabait kong ama. Tsk. Minsan napapaisip ako kung ama ko talaga yun. Nagtatakbo nako sa sobrang pagmamadali hanggang sa marating ko na ang napakalaking gate ng school. Papasok na sana ako pero hinarangan ako ng guard.


"Teka lang,bagong studyante ka ba dito?" I nodded.

"Asan yung ID  mo?"

Dali dali kong kinuha ang I'd ko sa bag. At sa kamalas malasan nga naman nawawala pa yung I'd ko. Saan ko nga ba nalagay yun? Hinalungkat ko na ang buong bag ko pero di ko pa rin makita ang ID ko.

"My ID ka ba o wala?" Naiinip na tanong ng guard. Tumingin tingin ako sa paligid. Anong sasabihin ko nito? Sigurado ako na hindi ako makakapasok pag walang ID.

"Uhm,ano po kasi. Nawawala yung--"


"Papasukin mo na yan. Andito sakin ang I'd niya." Singit ng lalaki na kakadating lang. Nakasalamin ito pero iba ang uniform na suot niya.


"Ganun po ba sir? Pasyensya na po kayo." Tumingin sa akin ang guard. "Cge pwede ka nang pumasok."


Nagpasalamat ako sa guard tas pumasok na. Magpapasalamat pa sana ako sa lalaking yun pero pagkalingon ko wala na siya. Ano kaya ang pangalan nun?siguro makikita ko pa naman ulit yun kasi iisa lang ang school namin pero iisa nga lang ba talaga? Bakit kaya iba ang uniform niya?

Nang makapasok na ako,agad kong hinanap ang room ko. pero ang napakalaking tanong saan ko hahanapin ang room ko?sa pagkalaki ng school. May tatlong malalaking building tas napakalawak ng field. Sa kaliwa may isang garden na sobrang lawak tapos yung design ng garden is parang maze na kahit sino pumasok ay di na makakalabas. Sa kanan naman makikita ang malawak na pond tapos may mini fountain sa gitna. Saan ako magsisimula nito? Bakit kasi napakalaki ng school na to?


Ilang oras nakong naglalakad di ko pa rin makita ang room ko. Ang malas ko talaga. Wala na, baka hindi na ako papasok sa first day.

"Aray ko!" Hinimas ko ang balikat ko na binunggo at nahulog ang bag ko. Yumuko ako para pulutin ang bag ko.

"Umalis ka nga sa daanan." Cold na sabi ng nakabunggo sa akin. Tumungo ako para makita ang pagmumukha ng nakabunggo sa akin. Kung di ako nagkakamali,kapareha niya ng uniform ang tumulong din sakin kanina. Tumayo na lang ako at di na nagsalita,dumiretso lang ito sa paglalakad. Pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ako maiinvolve sa mga estudyante dito.

At dahil hindi ko talaga makita ang room ko,napagdesisyonan ko na lang na lumabas ng building at pumunta ako garden na makikita pagkalabas mo ng main building. Oo kung may malaking garden may mini garden din sila. Ganito ang school na ito. Naupo ako sa damuhan na nasa ilalim ng malaking puno.


"Mama,kamusta ka na? Masaya ka ba kung nasan ka man ngayon?" Sabi ko habang nakatingala sa langit.

"It's been 10 years na nang mawala ka ma, 10 years ko na ding nasurvive ang pagiging mag-isa. Nagawa ko na ring makapasok sa school na to ma. Diba pinangako ko sau na makakapasok ako sa school na to?" I smiled.

Special Class [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon