Chapter 15 *Happy shalala*

125 3 0

Chapter 15

*Happy shalala*

Ang bilis ng araw. Parang kahapon lang monday pa lang tapos ngayon friday na. Wala kong magawa sa bahay, nakakaimbyerna dito. Wala kasi sila mommy pati si kuya, forever alone.

Nagopen ako ng Facebook ko pati naghalungkat ng mga gamit sa cabinet. Pagkaopen ko ng Facebook ko, bumungad agad sakin sa news feed yung picture ni Renz. 5minutes ago pa lang nung pinost niya yung picture niya, may hawak siyang yosi at bote ng Red Horse. Nagbibisyo na na siya dahil sa mga lokong kaibigan niya. Tsk checheck ko sana kung online pa siya pero offline na. Dami kong nakitang papel sa cabinet ko, puro kalat ko. Pero yun pala mga letter ni Renz sakin dati..

'Hi baby! boring no? Nakakaantok tong physics sana recess na. Sabay tayo mamaya ha? Mahal na mahal kita baby Franz ko :*'

Naaalala ko pa tong araw na to. Tuesday to, sobrang bored siya niyan dahil 2hours physics. Madami pa kong nabasa na letter and may nakita akong picture, picture namin nung mag bestfriend pa lang kami at yung mga pictures namin nung Halloween Party. Haaay nakakamiss, eh bakit nga ba kasi ako nagrereminisce? Mas lalo ko lang siya namiss at nasaktan na naman ako. Naalala ko pa yung mga binitawan niyang pangako.

*beep*

From: Francis

Franz! Pwede ka ba bukas? Tara EK tayo. Magpakasaya tayo bago mag christmas break. I'll fetch you there tomorrow around 4:30pm

To: Francis

Sure. Buti niyaya mo ko kasi mababaliw na ko dito dahil wala akong magawa. see you tomorrow :) Nytnyt. tcgbu

*MessageSent

--

Nandito na si Francis sa bahay. Nakapagpaalam na din ako. Mukhang gagabihin kami, pero okay lang. Mas masaya pa nga pag gabi eh dahil mas madaming tao at malamig.

"Tara na Franz, alis na tayo. Baka matraffic pa eh. Mahaba-haba pa ang lalakbayin natin." Di naman siya excited no?

"Yes boss. Eto na po"

Palabas na sana kami ngayon ng gate pero may lalaking nakajacket mukhang may sinisilip siya. Si Renz? Tama ko, si Renz yun. Di ako pwede magkamali. Tumakbo agad ako palabas para tignan siya pero wala na.

"Baliw, sino hinahabol mo?" tanong sakin ni Francis

"Si Renz kasi eh, nakita ko siya."

Lumabas siya at sinilip niya "Baliw ka talaga. Wala naman tao eh. Tara na, sakay ka na. Alis na tayo"

[Renz's POV]

Naisipan kong pumunta sa bahay nila Franz. Ilang months na kaming di nagkikita. Namimiss ko na siya. Dito na ko sa tapat ng bahay nila. Nandito kaya siya? Baka wala?

May lumabas na lalaki sa main door nila. Di ko mamukhaan kasi nakatalikod. Maya maya lumabas na si Franz, nagtago ako pero mukhang nakita niya ata ako. Nako nako paktay. Nagtago ako sa vacant house sa may gilid.

"Baliw, sino hinahabol mo?" tanong sakanya nung lalaki. Sino kaya yun?

"Si Renz kasi eh, nakita ko siya." sabi naman ni Franz

"Baliw ka talaga, wala namang tao eh. Tara na sakay na, alis na tayo"u

Sinilip ko sila. Si Francis? Si Francis yung kasama ni Franz? Nakakapangselos balak ko pa nga sanang sugurin buti nalang nakapagpigil pa ako.

--

Sa Enchanted Kingdom..

Kakarating lang namin ni Francis ngayon, buti wala masyadong traffic. Mga 6:30pm nandito na kami, feeling ko talaga umaga na kami makakauwi pero ok lang, mas masaya nga pag gabi eh. Dumaan kami kanina sa 7/11, bumili kami ng makakain though may nagbebenta naman sa EK pero kasi mahal dun eh. Taghirap eh, kaya magtipid po tayo. Si Francis, bumili ng ticket namin habang ako naman eto papetiks-petiks. Bwahaha libre naman niya eh -.~

Bestfriend Slash BoyfriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!