Chapter 11

1.2K 55 9
                                    

[Sehun]

"Hooooo! Ang ginaw." sabi ni Chen habang nakaharap sa bon fire na ginawa niya kanina. Napatingin siya sakin at napangiti.

"Bakit?" tanong ko.

"Hindi ka nilalamig?" ngumiti ako sakanya pabalik.

"Medyo." saka ako tumingin sa apoy.

"Pwede ka namang umalis e. Magpaalam ka nga lang sakanya." Open niya bigla ng topic, nagulat ako kaya nawala yung ngiti ko.

"Kung ginawa ko yan dati, di mo na sana ako kasama sa loob ng kweba na to ngayon." sagot ko.

"Ayaw ka niyang paalisin?" tumango ako.

"Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya." napabuntong-hininga ako.

"Gusto ka niya." nabigla ako sa sinabi niya. Gusto? Sinong tao ang magsasabi na may Mahal siyang iba sa harap ng taong gusto niya.

"Wag kang magpatawa." sagot ko nalang.

"Seryoso ko. Gusto ka talaga niya." napaiwas ako ng tingin at napapikit.

"Bakit ba siya ang pinag-uusapan natin?" saka ako dumilat.

"Gusto mo din siya no?" my jaw dropped. Walang preno ang bibig niya. Pareho sila ng Luhan na yon!

"A..A-Ano?"

"Hahaha. Yun lang ang biro ko. Hahahahaha!" nahampas ko siya sa braso. Ang loko! Hahaha.

"Ewan ko sayo."

***

"Magda'dalawang oras na ata tayo dito pero ang bigat padin ng pagbagsak ng mga nyebe." sabi niya. Were stock in here in the cave! What to do?

"Ayos lang ba kung maghihintay pa tayo ng konti o aalis na tayo kung kaya mo?" napailing ako.

"Dito muna tayo .. Baka kung mapano tayo sa labas." sabi ko saka na umupo ulit.

"Pano si Luhan? Baka hinahanap ka niya?" napatawa ako ng mahina.

"Ayos lang sakanya. Saka hindi ako hahanapin non. Ang laki ko na kaya, di nako bata."

"Sigurado ka? Baka magalit siya? Iba pa naman magalit yun." umupo nadin siya sa tabi ko.

"Iba magalit? Paano?" napailing siya.

"Basta. Sabihin nalang natin na, ni isa samin dito sa Lugar na to ang hindi hihilingin na magalit siya." napa'aahhh nalang ako.

"Since siya na naman ang topic natin? Susulitin ko na. Ano ang talagang Luhan?" napakunot ang noo niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kaibigan ka ba niya?" napaisip muna siya.

"Sa totoo lang? Hindi kami Close. Pero may mga bagay na alam ko tungkol sakanya." napaharap ako sakanya.

"Tulad ng ano?"

"Sa pamilya niya. Pamilya niya ang may hawak sa buong angkan namin. Sila ang namumuno dito." napatango nalang ako ng sunod-sunod.

"Ano pa?" sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Inaantok ako. Naramdaman ko na lumingon siya sakin. "Pasandal muna." ngumiti lang siya.

"Kapatid niya yung akala niyang Kaaway ng lahi nila. Kami yon." nagulat ako sa sinabi niya.

"Magkaaway? Lahi? Diba pareho lang kayong Wolf?" napangisi siya.

"Dahil sa itinakda nagkaayos ang lahi na matagal ng may galit sa isa't-isa. Pero namatay ang Ama ng itinakda."

The WereWolf Boy! ♥ [HunHan Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon