Chapter 14 *New life, new bestfriend*

107 3 0

Chapter 14

*New life, new bestfriend*

Months na nakalipas di parin kami nagpapansinan ni Renz, di talaga nagpapakita sakin. Iniiwasan niya ako, siguro nga kailangan ko din siya bigyan ng space. Pero kamusta na kaya siya? Kamusta na ang mahal ko? <//3

Papasok na ko ngayon sa school. At hanggang ngayon nagbabakasakali ako na pumasok na ulit si Renz, until now kasi di pa siya pumapasok. Di ko alam kung ano ang nangyayari sakanya, di naman siya ganun dati eh. Naglalakad ako ngayon, di ako sumabay sa service ko kasi baka makasalubong ko si Renz sa park..

"BOOOOM! *kalabit sa balikat*"

Paglingon ko si Francis. Grabe namiss ko siya, ilang months din siya di nagpaparamdam sakin. Di manlang magpakita sakin, eh sabagay ang laki ng school namin eh. Baliw tong lalaking to nung una naming kita sabi niya classmates kami pero hindi pala. Ang weird nga eh -____- Pagkatapos nung pagkikita namin nun sa park di na siya ulit nagparamdam. Misteryoso netong lalaking to. Haru jusko

"Francissssssssssss!" Yinakap ko siya agad. Sa sobrang pagkamiss ko sakanya, nacarried away na ko. -___-

"Uhhh sorry" Sabi ko ulit dahil napatagal ata yung yakap ko sakanya. At feel na feel pa niya -___-

"Ano ka ba, ok lang no. Kamusta ka na? Long time ah"

"Ok lang ako. Ikaw? Kamusta ka? Bakit ngayon ka lang nagpakita?"

"Sorry Franz, nag out of town kasi kami ng family ko. Bawi nalang ako"

"Ahh kaya pala eh. Sige lang, basta libre mo ko eh."

--

Recess time

Di na ko masyado pinapansin ng mga barkada ko. Dahil daw simula nung naging kami ni Renz parang di ko na sila pinapansin tapos parang ang lagay ako pa masama dahil nung nagbreak kami ni Renz tsaka naman daw ako babalik sakanila. Nasabihan pa nila kong 'manggagamit'. Di ko alam kung bakit sila ganyan, sana naman naintindihan nila. Pero may point naman sila nawalan din ako ng oras sa mga kaibigan ko :(

Magisa kong naglalakad ngayon papuntang cafeteria. Naninibago ako kasi wala kong kasama, wala na yung bestfriend ko. Haaay

"Hi Franz"

"Ay tipaklong pagong."

"haha ano sabi mo? Tipaklong na nga, pagong pa. Hahaha bago yun ah"

"E nakakagulat ka naman kasi eh. Bigla bigla ka nalang sumusulpot. Ang hilig mo manggulat, kanina ka pang umaga"

"Haha sorry. Ano tara sabay tayo, kawawa ka naman kasi wala kang kasama"

"Sige tara, libre mo ko ah? Sabi mo kanina babawi ka eh."

"Okay fine, whatever."

Nagorder na kami ngayon ni Francis. Ang saya ko kahit papano kasi may bago kong kasama, bagong kaibigan. Sana lang talaga hindi niya din ako iwan tulad ng iba.

"So balita naman sayo nung nawala ako? Atsaka bakit di mo kasama si Renz? Boyfriend mo di mo kasama, anong klase siyang boy--"

"Wala na kami." sagot ko sakanya. Di ko na siya pinatapos sa sinasabi niya

"Ahhm. Sorry! Hm eto try mo tong sandwich ko, masarap to." Halatang iniiwasan niya yung topic kasi parang sa parte niya naoffend ako, actually hindi. Mas gusto ko pa ngang pagusapan namin eh, para kahit papano gumaan naman ang loob ko.

"Hindi ok lang. Pwede ba kong magopen sayo?"

"Sige lang Franz, basta nandito lang ako palagi sa tabi mo. Pag may problema ka, wag ka mahiya na lumapit sakin."

Ang bait niya. Ang gentleman niya, para siyang si Renz. Pero sana di niya din ako iwan tulad ng ginawa sakin ni Renz. Si Francis nalang ang kaibigan ko, wala na kong kakampi dito. Nakwento ko na lahat ng nangyari samin ni Renz, kwinento ko sakanya kung paano ako kagad binitawan ni Renz ng sobrang dali yung hindi niya ako pinaglaban at iniwanan akong walang matinong rason kung bakit siya nakipagbreak.

"Ok lang yan Franz. Sa ganda at bait mong yan, imposibleng wala kang mahanap na iba jan. You deserve someone better Franz. Don't mind Renz. Basta sa ngayon, ako na ang makakasama mo through ups and downs."

"Ang bait mo Francis. Salamat ah? Salamat kasi nandito ka para pakinggan yung kadramahan ko. Pero at least lumuwag yung pakiramdam ko." Niyakap ko siya. Niyakap ko siya sa sobrang tuwa at maya maya naramdaman ko na din yung kamay niya sa likod ko. Haaay buti nalang nandito si Francis

"No problema seniorita, pagtatanggol kita friend. Opps friend? Pwedeng bestfriend nalang din?"

Nung una ayoko kasi para sakin si Renz lang yung bestfriend ko pero wala na pala siya, iniwan na niya ko. Ok lang naman na iwan niya ko basta wag niya lang kalimutan na bestfriend niya ko pero wala na eh, tinalikuran narin niya pati friendship namin.

"Sure bestfriend!"

--

Bestfriend Slash BoyfriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!