Chapter 3

6 5 0
                                                  

Alex's pov...


Nagising nalang ako na medyo malabo yung mata ko. Unti-unti kung nilibot yung mata ko para makita ko kung asan ako.


Pero nakita ko yung lalaking tumulong saken sa bar noong lasing na lasing ako.


Habang nakatitig ako sakanyang mahimbing na pagkakatulog. Sumagi bigla sa isipan ko kung bakit niya ako tinutulongan.


Iniisip ko nalang baka siya yung taong pinadala ng panginoon para tulongan ako.



Salamat sa kanya, at Salamat sa panginoon kase di niya ako pinapabayaan.



Ang hirap pala mag isa sa buhay. Yung tipong wala kang karamay. Wala kang kakampi. Yung tipong mag isa ka lang na bumabangon.


Siguro isa lang to sa pagsubok sakin ng Panginoon at haharapin ko yun kung anuman yun.



"ARAY...?" Inusog ko yung binti ko para sumandal ako sa unan. Pero biglang kumirot yung tuhod ko.



Ano nga pala nangyare kanina... Bakit andito na ako. Naaalala ko lang noong hinabol ako ni manong.



At bigla nalang ako nadapa nakita ko pa yung dugo sa tuhod ko bago ako mawalan ng malay.



Nagising nalang yung lalaki sa pagkakasabi ko ng "Aray!"



"Miss? Okay ka lang ba?? Wala bang  masakit sayo???"


Tinitigan ko nalang siya. Ang Gwapo pala niya pag malapitan. Ano ba naman yan... Naaksidente na nga ako tapos kung ano ano pa nasa isipan ko.



"A- a- Ano nga yun?" Nauutal ako bakit ganoon nalang yung pagsasalita ko. Dahil ba to sa Sugat ko sa tuhod. Ito ba yung epekto pag may sugat sa tuhod.


"Miss? Okay ka lang ba?? Wala bang  masakit sayo???" Mabilis niyang tanong sakin.



"Ang dami mong tanong eh.?? Di ba pweding dahan dahan lang??"


"Ayyts?!.. Sorry naman?" Sabay nginitian niya nalang ako.



"Ou... Ayos lang ako... Medyo nahihilo lang ako ng unti... pero kaya ko naman."



"Ah buti naman nag alala ako sayo eh... Baka napaano ka pa?"

"Sorry den... kase napahamak ka tuloy ng dahil saken... At tinulongan mo paren ako kahit na di naman tayo magkaano-ano."



"Ayos lang basta ang importante ligtas kana."


Naawa nalang ako sa kanya kase nakita ko yung gilid ng labi niya na may pasa.



Pero kahit na may pasa siya sa labi kissable lips paren siya.


"Kasalanan ko talaga to eh.. kung bakit nangyare sayo yan"



"Ano?"

"W-a - Wala?"


Napalakas pala yung pagkakasabi sa isipan ko.


"Hindi mo kasalanan yun. Kasalanan ko yun kase nasaktan ka sa sinabi ko sayo... Kaya dapat ako yung nag sosorry  sayo at hindi ikaw."


"Kasalanan ko to kase nadamay kapa sa mga problema ko."


"Ano ba problema mo? Bakit kahapon nakita kitang naglalasing ka mag isa?"


Nagtataka ako kung bakit alam niya yung nangyare saaken kahapon... Pinagmamasdan ba niya ako.. Stalker ko ba siya??


"Bakit mo pala alam na nasa bar ako kahapon at bakit mo ko tinulongan?.... STALKER BA KITA??!" Sabay taas ng kilay ko sa kanya.


"Hindi ako Stalker noh? Nagkataon lang na nag inom din ako noon nang dahil sa Dad ko."

"Ah...? Ganoon ba?"


Unti unti kung iniiba yung topic namin para di namin mapag usapan yung tungkol sa buhay ko. At wala akong balak na sabihin sa kanya kung anong sitwasyon ko ngayun.


Isa pa diko naman siya kilala ng lubusan. Kaya mas mabuting di ko nalang sabihin sa kanya.


"Ou" sagot niya.


"Sige na kaya ko na sarili ko... Okay lang sakin na iwan mo ko... Tatawag nalang ako sa Family ko." pagsisinungaling ko para di na niya ako tanongin about doon sa pag iinom ko sa bar.


"Eh... Ako nalang tatawag sa family mo? Ayos ba yun?"


Nagulat ako sa sinabi niya. Baka malaman niya na nagsisinungaling lang ako. Pero totoo naman... wala naman akong uuwian sa bahay kung hindi yung alaga kung pusa.


"Dina ako nalang... may cellphone naman ako eh... SALAMAT NALANG"

Sabay pakunyaring nakangiti ako sa kanya. At sana di niya mahalata yun.


"Oh... Sige.. Bahala ka...?"

Buti nalang di niya nahalata yun. Galing ko talaga umacting.
Palabas na sana siya nang biglang kumusa yung bibig ko na magsalita.

"Saglit lang kuya?"

Lumingon siya saken at mukhang nagtataka siya kung bakit ko siya tinawag.


"Ano pala name mo kuya?"


"Ah.. ako ba?" Tinuro niya yung sarili niya.

"May iba ka pa bang kasama bukod sayo??"


"A- a... Ako lang."

"HAHAHA" Sabay kaming nagtawanan. Natawa den siya sa reaction niya.


"Hmmmf... Ako nga pala si Ki. ..-"

Di nalang niya naituloy ng dumating yung Doctor.


"Oh... Gising kana pala Iha?"Tanong ng Doctor saken.

"Opo... Doc."


"Maayos na ba pakiramdam mo? Di ba kumikirot yung sugat mo sa tuhod?"


"Medyo lang po Doc."


" Sige... mga tatlong araw ka pa makakapag Stay dito Iha...Para sigurado na magaling na yung sugat mo. Pero kailangan may mag alaga sayo dito pansamantala. Asan ba family mo? Natawagan mo na ba sila?"




"A-a- ahh.. O-Opo... D-Doc."



Pautal ko na namang palusot sa Doctor. Paano ba naman kase andito pa sa loob yung tumulong saken baka mamaya mahalata pa niya na nag sisinungaling  ako.



"Ah Ganoon ba iha? Oh siya... sige maiwan ko muna kayo."


"Sige po... Doc. Salamat po."



Umalis na si Doc. at nagkatitigan nalang kami ni kuya ng mag sasalita na siya naputol na naman nang biglang magring yung Cellphone niya. kinawayan nalang niya ako sabay alis.



Kasabay noon nalungkot nalang ako. Ramdam ko na naman yung mag isa nalang ako. Pumatak na naman yung mga luha ko. Nang makita ko yung cellphone ko na nakapatong sa may table.



kinuha ko nalang yung cellphone ko at tinititigan ko yung litrato namin ng family ko.


Next~

My Evil Twin'sWhere stories live. Discover now