[48] Over

1.1K 28 7

Paki-play nalang yung tugtog na Before It Sinks In by Moira.

Hana's POV

Nabalitaan ko kay Travis na wala na ang Daddy ni Hanniel kaya nandito ako sa labas ng dating kwarto ng Daddy niya. Nakita ko siyang nakaupo sa kama at umiiyak. Ang sakit sa pakiramdam na makitang may luha ang mga matang minahal ko.

Siguro pwede pa naman akong lumapit sakanya. Siguro pwede ko pa siyang bigyan ng panyo. Siguro may karapatan pa naman akong i-comfort siya. Siguro sa pagkakataong ito di niya muna akong ipagtabuyan. Kasi kung ako ang tatanungin pwede pa... Pwede siyang umiiyak sa balikat ko. Dahil kahit kailan di mawawala ang pag-aalala ko sakanya.

Kumatok ako sa pinto at nakuha ko naman ang atensiyon niya. Nakita kong pinunasan niya yong mga luha niya. Di na ako nagdalawang isip na pumasok sa loob.

“How are you?” that was the stupid question I ever ask.

“Can I cry on your shoulder?” ngumiti ako sakanya at umupo sa tabi niya. Lumapit na siya saakin. Naramdaman ko nalang ang mga luha niya sa balikat ko. “Dad left me. He left us. I keep on asking myself, bakit ngayon pa? Kailangan ko siya. I need him so much.”

“Shhh. May mga bagay talaga na iiwan ka sa maling panahon. Panahon na kailangan mo sila.” sabi ko. Narealize kong parang ako lang pala.

“Naramdaman ko na rin it dati eh. Ganito rin kasi yung sakit noong pumunta ka sa New York.”

“Sa tingin mo may kapatawaran ba ang ginawa ko?” tanong ko.

“Simula ng matanggap ko ang nangyari saatin, pinatawad na kita. Yun lang naman ang kaya kong gawin eh, ang tanggapin lahat ng yun.”

“Kailangan ko kasing kilalanin ang sarili ko. Pakiramdam ko kasi simula ng malaman kong di talaga ako totoong Fernandez, nawalan ako ng isang parte saaking katawan na kapag nawala ay napakahirap ng mabuhay.”

“Bakit ka pumunta sa New York?”

“Kasi sinasanay ako ni Papa na magtrabaho sa kompanya. Ang daming may ayaw saakin doon, ang daming may gustong magpabagsak saakin, ang daming nagsabi na di kakayanin dahil halos lahat sila ay mga com laude but I prove them wrong. Minsan pa nga pinapahiya ako sa mga investors, at kailangan kita sa pagkakataong yun. Pero pinilit ko na di muna umuwi hangga't di pa malinaw saakin ang lahat.”

“Pasensya na. . .” sabi niya.

“Hanniel, pwede pa ba?”

“Natatakot akong masaktan. Takot na takot. Bakit ang mga taong minamahal ko pa ng sobra ang palaging nawawala? Susunod na bang mawala si Mom? Siguro gugustuhin ko nalang na wala ng dumating basta't manatili ang mga taong di ko kakayaning mawala.”

“Hindi natin hawak ang mundo. Di natin alam kung kailan sila mawawala.”

“Tama ka. . . Ang sakit lang kasi ako lang ang pwedeng sandalan ni Mom.”

“Kaya naman magpakatatag ka.”

“Hana, sana kung magkaroon man tayo ng kanya-kanyang pamilya nandyan pa rin tayo para sa isa't-isa.” pagkasabi niya tumingin na siya saakin. Kaya yumuko ako sa harapan niya at doon ko nakita kung gaano kalungkot ang mga mata niya.

“Di na pwede yun may mga asawa na kasi tayo. Pero tandaan mo mananatili kang espesyal saakin. Kung may papalit man sayo dito sa puso ko sisiguraduhin kong sasaya ako sakanya sana ganoon ka rin.”

“Ikakasal na ako kay Yamira at gagawin ko ang lahat upang sumaya.”

Hinawakan ko ang kanya pisngi at pinunasan ang mga luha niya. “Hinihiling ko na sana di pa ito ang huling  pagkakataon na mag-uusap tayo. I'm letting you go. Pinapalaya na kita.” akala ko di ako iiyak dahil kinausap ko na ang sarili ko. Pero parang ako pa ngayon yung namatayan sa sobrang dami ng luha ko.

Casanova's  WifeRead this story for FREE!