23: Greco <3

332 25 8

"SORRY, I LIED. Okay na ba 'yong dala kong cake as an apology?"

Tinawanan lang ni Ruma ang sinabing 'yon ni Greco dahil alam naman niya ang pagsisinungaling nito. Kanina pa niya naibilin sa mga guard ang pagdating nito kaya imposibleng hindi ito papasukin sa subdivision nila. "Why did you lie?" sita niya rito sa pabirong boses. Nakaparada ang kotse nito sa bakanteng lote na malapit lang sa guardhouse kaya nakita agad niya ito. "Buti na lang, alam kong lie lang 'yon kaya hindi ako sumakay ng shuttle palabas ng subdivision."

Ngumiti si Greco habang nakasandal sa hood ng BMW nito at nakapasok ang mga kamay sa mga bulsa ng slim jeans nito. Right now, he wore casual clothes (plain gray long-sleeved shirt rolled up to his sleeves, denim jeans, and black sneakers) but he still looked neat and posh. Kahit isang expensive watch lang ang accessory nito, hindi pa rin masasabing low-profile ang porma nito dahil hindi nito maitago ang "air of wealth" nito. Even his perfume smelled luxurious. "Alam kong aware ka na nagsinungaling ako," sabi nito, 'tapos biglang nag-blush. "Maybe I want some alone time with you?"

She wanted to smile at that but the butterflies hammering in her stomach wasn't enough to wash away the guilt and loneliness she felt right now. "I'm sorry, Greco," sabi niya sa basag na boses. "Sorry kasi nasayang 'yong talent mo sa pag-drawing ng story ko."

"Don't say that," saway nito sa kanya. "Hindi nasayang ang talent ko, okay? I love illustrating your story, Ruma. You're doing a good job."

"But I'm still not good enough to be Rabi's partner," sabi niya dahil hindi na niya maitago ang nararamdaman niya. "I was confident this time. Ang sabi ko sa sarili ko, kapag nakapasok ako sa Top 10 ng W Challenge, magiging worthy na ko para maging writer ni Rabi. Pero hindi tayo nakapasok, eh. Walang flaw ang art style mo kaya siguradong 'yong story ko ang naging problema." Nakakainis man, napahikbi na siya. Pero kahit nahihirapan na siyang magsalita, hindi pa rin siya huminto. "At this rate, i-ho-hold back ko lang si Rabi kung ipipilit ko pa rin ang sarili kong maging writer niya. Malayo ang mararating niya kung iba ang magiging partner niya. O kung siya ang magsusulat ng sarili niyang story." Hindi na rin niya napigilan ang mapaiyak. "I want to success with him but I already failed..."

"Ruma..." Lumapit sa kanya si Greco, saka ito huminto sa harap niya. Pagkatapos, hinawakan siya nito sa mga balikat. "You're just tired. Magpahinga ka muna. Kapag maayos na uli ang pakiramdam mo at handa ka nang makinig sa'kin, mag-uusap uli tayo tungkol dito."

"No, I've already made up my mind," humihikbing sabi ni Ruma, saka niya dinikit ang noo niya sa dibdib ni Greco. Pagkatapos, pumikit siya kahit naiiyak pa rin siya. "I quit."

Our Sixty-Second Gap (To Be Published)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!