[PARDON FOR TYPOS AND WRONG GRAMMAR] 

Kimberly's POV

Sandaling kinalimutan ko na muna ang lahat at natulog... Pinikit ko ang mata ko at nirelax ang isip.

'Pakiramdam ko, Gusto na kita!' Paulit-ulit na nagpaflash sa utak ko yung mga sinabi niya. Totoo ba talaga yun? Anong dapat kong sabihin o isagot dun sa sinabi niya?

*KINABUKASAN*

Maaga pa. 5:43 palang medyo maliwanag na. Mamaya pa talaga yung pasok ko 7:00 am. Kahapon kasi inagahan ko talaga dahil kelangan.

Ngayon... Di ko alam ang gagawin ko. Ayaw kong lumabas sa kwarto na 'to. Baka kasi makasabay ko si Andrew.

Pero... Okay... Kelangan kong pumasok sa school. At agad na akong kumilos... Pumasok na ako sa C.R. may c.r. kasi 'tong kwarto namin. At nang matapos na lahat. Nakaligo na ako, naka bihis na ako, Dun na siguro ako sa canteen ng Willford mag bibreakfast. Nagpaalam na ako at lumabas ng kwarto. 6:30 am na din. Medyo maaga pa naman. Feeling ko pumasok na si Andrew kaya lumabas na ako ng kwarto namin at ng nasa gate na ako nagulat ako nandun si Andrew naka sakay sa kotse at may driver. Pero nung di pa niya ako nikita ay bigla akong nag U-Turn para di nga niya ako makita.

"Wag ka ng magtago, Nakita kita!" Nagulat ako ng sabihin niya yun >_< Nakita niya ako? Eh nakapikit siya kanina habang naka sandal.

"Sumakay ka na. Isasabay kana namin." Hirit pa niya. Pero kim, ayusin mo yung isasagot mo dahil nasa bahay ka nila ngayon. Okay?

"Hindi na sir, Okay lang ako. Magje-jeep nalang ako." Sabi ko sabay ngiti, Pero yung pilit lang.

"Hayy!! Sumakay kana bilis na... Baka gusto mo ako pa ang bumuhat sayo papasok dito sa kotse?" Sabi niya. Aba namumwersa? Eh sa ayaw ko ngang sumakay eh!

At ayun na nga... Napilitan akong sumakay bwiset talaga siya!

"Good!" Sabi niya pagkasakay ko.

At habang nasa byahe ay tahimik lang kami. Si Kuyang driver lang yung maingay. Kanta ng kanta. Grabe ha! Wala akong dalang payong!

"When you smile, everything's in place!~"

Yan yung unang lyrics nung kanta. Hanggang sa napunta na sa chorus. Grabe kumulimlim na si kuya driver kasi eh!

"Inch by inch we're moving closer, Feels like a fairy tale ending
take my heart, this is the moment i'm moving closer to you.
I'm moving closer to you!~"

[A/N: Play niyo yung kanta hihi]

Enjoy na enjoy na pagkanta ni kuyang driver :3 Pagkatapos niyang kumanta ay nagkatingginan kami ni Andrew nung kinanta niya yung last part ng kanta na

"I'm moving closer to you..."

Bigla siyang lumiko si kuyang driver kaya nagkabanggaan kami ni Andrew at napasandal ako sakanya... Tss! Wrong timing ka kuya

"Ay sorry!" Bulong ko. Magkatabi kasi kami dito sa likod. Kami lang dalawa tapos si kuyang driver dun sa driver's seat malamang. Bakit kasi sinabay pa niya ako, ang awkward tuloy! Tss!

Tapos inayos ko yung bag ko na medyo nagulo din. Ano bang pangalan nung body guard ni Andrew? Ayun si Rique, si kuya rique. Pero dahil magalaw yung kotse kasi may lubak ata dun sa nadaanan ay napakapit ako sa braso si Andrew, muntik na akong mauntog kasi bakit sa lubak pa talaga nadaan eh.

"Ay sorry ulit sir." Sabi ko sakanya, Dahil nga napakapit ako sa braso niya.

"Don't call me sir, Kanina ka pa!" Naiiritang sabi sakin ni Andrew. Eh bakit dapat ko lang naman siyang tawagin na sir kasi sir ko naman talaga siya eh!

"Eh sir, diba dapat sir naman talaga ang tawag niya sainyo?" Sabat naman ni kuya Rique.

 "Oo, tama si kuya Rique, dapat sir talaga ang tawag ko sayo kasi amo kita" Sabat ko naman.

"Bakit po ba ayaw niyong tawagin ka ni Kim na Sir?" Sabi ulit ni kuya Rique.

"Kasi... Girlfriend ko siya." Nagulat ako ng sabihin ni Andrew 'yon. Sabay tawa niya. At bigla niya ako inakbayan. Nababaliw na talaga siya! Baka magsumbong pa si kuya Rique kay tita Veronica.

"Sssh! Wag kang maingay kay mama ha!" Tapos tumawa siya. Yung nakakalokong tawa. Ano nanaman bang kinain nito at nabaliw nanaman?

"HUUUY! KUYA RIQUE!!! HINDI TOTOO YUN! JOKE LANG YUN. HINDI TALAGA TOTOO YUN. MAARING DI SIYA NAG ALMUSAL KAYA NIYA NASABI 'YON... UUY! DIBA HINDI NAMAN TOTOO YUN? SABIHIN MO SAKANYA NA HINDI TOTOO YON.!!!" Sabi ko sabay pagyugyog ko kay Andrew. Baliw na ba talaga siya? Pano kung maniwala si Kuya?

"Okay, Tama na yang ka sweet-an niyo! Baka langgamin 'tong kotse! Andito na tayo sa school niyo, Kim. Baba na!" Sabi sakin ni Kuya Rique.

At pumasok na ako sa room, Alangang tumambay pa ako sa labas diba? At pagkakita ko nandun nanaman si Alonica.

"Oh andito ka nanaman? Sabihin mo sa teacher niyo dito ka nalang para di ka palipat lipat ng classroom ha? -_-" Bored na sabi ko.

"Huy babae! Sino yung naghatid sayo? Nakasakay ka sa kotse kanina eh! Si Andrew 'yon noh? Nakita ko eh! Pero siya nga ba? Kwento ka dali!" sabi niya with matching hampas at sampal at sabunot wala eh ganyan talaga ang kaibigan. 

"Anong si Andrew? Hindi ah!"  Pagdedeny ko.

"Weh? Don't lie to me! Yes or no? Si Andrew ba yun?" Pananakot niya pa sakin. "At oo nga pala, liars go to hell. Period no erase." dagdag pa niya. 

"Oo na. Siya na. Ano okay na?" Boring na sagot ko. 

"Oh.My.G. Really? Tell me. Bakit ka niya hinatid? May relasyon ba kayo? huh?" Pang-uusisa niya.

"Wala!! Hinde ah!!! Ganito kasi yan," I have no other choice att ikinuwento ko na nga yung puno't dulo ng storya namin ni Andrew.

Kinuwento ko din yung tungkol dun kagabi at grabe yung kilig niya halos malamog na yung braso ko sa kakahampas niya. Baliw na din siya -__-

"So, Inlababo na talaga siya sayo? At siya rin yung babantayan mo? Eh ang laki niya na ha? Bakit kelangan pang bantayan?" Takang taka na sabi ni Alonica, pati siya naguguluhan din. 

"Madami daw kasing kabulastugan at katarantaduhan yang si Andrew kaya kelangan ng bantay." Sabi ko.

"Pero bakit ka niya sinabay kanina sa kotse nila?" Bakit ba ang dami niyang tanong? 

"Aba malay ko! Sige na tama na ang chismisan. Tumunog na ang bell. Kaya bumalik ka na sa room niyo." At tinulak ko na siya papalabas.

"Aray!! Masakit yung pagkaka tulak mo ha! Pero... Ayiiie! They are moving closer!" Pangaasar pa nito sakin. Pero habang papalabas siya sa room namin ay kinanta niya yung kanta na kinakanta ni kuya Rique samin kanina.

"Inch by inch we're moving closer, feels like a fairy tale ending take my heart, this is the moment i'm moving closer to you~" 

"Ayiie! Baka sa susunod kayo na ha! Inch by inch nga sabi sa kanta ;)" 

At tuluyan na nga siyang umalis. Hayyy! Buti nalang. Teka time na ah? Bakit wala pa si Aldrix?

A/N: Please vote comment and support MBB thank you!!

My Billionaire Boyfriend (UNDER CONSTRUCTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!