[47] Final Decision

1K 30 5

Hanniel's POV

Agad akong pumunta sa kotse ko. Halos lumipad ang kotse ko sa bills nito. Pero wala ako akong pakealam.

Mahal pa rin kita. . .

Walanghiya ka!

Nakarating ako sa tambayan naming sa rooftop. Minsan ko na ring dinala si Hana dito. May isang butil ng luha ang tumulo mula sa mga mata ko.

Nakarating na ako sa rooftop at nakita ko yung mga kaibigan ko. Agad akong umupo sa tabi ni Harley. Kumuha naman sila ng alak at ibinigay saakin.

"Ang panget mo yata. Malalaking eyebags, magulong buhok at parang hinang-hina ka." komento ni Zane.

"Ikakasal na ako."

"Sabi ko naman eh! Isang kembot lang ni Hana mawawala lahat ng sakit. Ano kaya ang ginawa ni Hana?" Sabi ni Zayde at nagtawanan sila.

"Ikakasal ako kay Yamira." tumigil na sila sa pagtawa. Halos lahat sila tumingin saakin.

"Seryoso ka ba?" tanong Tyler.

"Kahit ngayon lang ibaba mo muna yung pride mo. Di yan makakatulong eh. Alam naman nating lahat kung sino yung gusto mo eh." payo ni Harley.

"Di ko na kakayann kung masasaktan pa ako sa pangalawang pagkakataon."

"Walang kasiguraduhan ang mundo. Walang may alam kung ano ang mangyayari bukas o sa makalawa. Bigyan mo lang ng pangalawang pagkakataon."

"Puso ko na rin mismo ang kusang sumuko."

"Sabagay. Nasaksihan din namin kung gaano ka nasaktan. Nasayo parin ang desisyon." pagkasabi ni Van wala nang nagsalita pa uli.

Kung alam lang niya lahat ng pinagdaanan ko, kung alam lang niya na halos ipasok ako ni Mom sa Mental para matigil na ang kahibangan ko. Ilang buwan nga ba akong di kumain, di natulog, di nakikipag-usap? Then one day, I found my hand cutting my wrist. But suddenly, Yamira stopped me. She tells everything about her. Tapos narealize ko, mas-swerte pala ako sakanya. Mas napalapit kami sa isa't-isa. At doon, nakalimutan ko yung sakit, yung pagdurusa, yung pang-iiwan.

"Pero ang tanong, kakayanin mo bang makita si Hana na ikakasal sa iba?"

"Siguro. Kailangan kung panindigan ang naging desisyon ko." sabi ko at uminom nanaman ako ng alak.

"Hays. Tama na nga yan. Puntahan natin ang Dad mo." sabi ni Tyler at sumang-ayon naman young iba. Nauna silang bumaba.

"Lahat ba tayo may dalang kotse?"

"Mmm..."

Nauna si Van saamin. Nasa huli lang ako.

Bakit kaya ang daming tao ang gusto na magkaroon ng minamahal? Hindi ba nila alam na kapag nandyan na ay napakahirap. Kailangan palagi kang handa. Paano naman kaming mahihina? Paano naman kaming madaling masaktan? Paano kung di kami handa?

Napakahirap na kalaban ang tadhana. Love is so powerful eh. Walang may alam kung sino ang sasaya at kung sino ang iiyak. Walang may alam kung sino ang matatalo at kung sino ang mananalo.

Lumabas na ako sa kotse ko at sumunod na sakanila. Walang nagsasalita saamin habang nasa elevator. Buti nalang talaga at mabilis lang kami doon kundi wasak yun.

Habang papalapit kami sa kwarto ni Dad nakita ko yung doktor ni Daddy na si Travis.

"Bro, wag niyong ipakita ang scene." Hays. Huli na dahil nakita ko na. Umiiyak si Hana kay Travis.

Bigla silang humarang sa gilid ko kaya di ko na makita yung dalawa. Masakit pero kailangan kung tanggapin.

"She's in pain." saad ni Zane.

Casanova's  WifeRead this story for FREE!