Hi everyone!

I know minsan minsan nalang ako kung mag update and I feel sorry for that dahil sa alam kung inaabangan nyo yung mga updates ng story ko.

Kaya napag desisyonan ko na pahabain ang kwento every chapters para lang sa inyo.

ALYANNA'S POV:

"Sorry na kasi" galit na sabi sakin ni Kyle habang naka buntot sakin sa pag lalakad pero di ko sya pinansin
"Yanna! I'm sorry" naiinis na sabi nya sakin pero di ko sya pinapakinggan
"You've been avoiding me for almost a week! Isn't that enough as my punishment?" asar na tanong nya sakin kaya nilingon ko sya tsaka ko sya tinitigan ng masama
"Can I ask you, if that is the proper way to apologize? I can't even feel any sincerity on your apology!" asar na sabi ko sa kanya habang naka titig ng masama sa kanya

Paano ko tatanggapin yung apology nya kung di ko naman feel yung pag apologize nya!

Yung mag sosorry sya pero parang napipilitan lang sya kasi halatang naaasar sya.

At sa lagay na ganun sino kaya ang tatanggap ng ganung klaseng apology?

"Sino naman kasing di magagalit kung paulit ulit na akong nag sosorry pero hanggang ngayon di mo pa rin naman tinatanggap" galit na sabi nya sakin kaya nag make face lang ako para mas lalo syang bwisitin
"Bahala ka dyan" sarcastic na sabi ko sa kanya tsaka na ako naglakad

Kanina pa kasi nya ako sinusundan. Yung kahit saan ako pumunta naka sunod sya kaya nga di ko kasama si Jessica ngayon kasi nauumay na sya sa pag mumukha ni Kyle tsaka palagi nya inaaway si Jessica dahil sa kanya nya binubuhos yung asar at galit nya sakin.

Habang naglalakad kami sa hallway papunta ng classroom bigla namang humarang sa daan yung isang teacher dito sa school.

"There you are Miss Alyanna" tuwang tuwang sabi nung teacher na di ko naman kilala nung makita nya ako kaya pilit lang akong ngumiti
"I've been looking for you" sabi nya ulit sakin
"Bakit po?" tanong ko naman sa kanya
"I need to talk to you about something since your the new student council president" sagot naman nya sakin kaya pilit nalang akong ngumiti
"Good thing your with Mr. Fuertes dahil sa kailangan rin kasi natin ng makakasama mo" sabi ulit nung teacher sakin kaya napalingon lang ako dun sa lalaking nasa likuran ko na kanina pa sunod ng sunod sakin, na ngayon ay abot tenga na ang ngiti

Parang kanina sobrang talim ng irap nya sakin ngayon naman lakas maka ngiti yung abot langit yung ngiti nya.

"Ano po ba gagawin namin mam?" curious na tanong ko dun sa teacher
"Nag plano kasi kami ng fieldtrip nyo ngayong school year pero since iba na ang taste ng mga kabataan ngayon ay napag desisyonan namin na ikaw nalang ang mag isip ng mga lugar na pwede nyong puntahan and were allowing you to visit those places yourself para mas maayos rin yung pag pili mo ng destination ng fieldtrip nyo" pag explain sakin nung teacher at wala na akong nagawa kundi ang pilit nalang na ngumiti
"Good thing maam ako pinili mung sumama sa kanya dahil may sasakyan rin ako" biglang sabi naman nitong lalaking nasa likuran ko kaya tumango lang yung teacher na di ko kilala
"You are excuse to your classes for the whole day" sabi ulit nung teacher kaya ngumiti lang ako
"You may go now! Basta balitaan mo nalang ako kapag naka pili ka na" sabi nya ulit tsaka na sya nag lakad paalis at naiwan na naman kaming dalawa lang dito sa may hallway.

Secretly Married To The Campus Prince (ON GOING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!