Kabanata 14

620 15 8
                                    

Bago niyo po basahin.... hihingi ng tulong. Open niyo po ang YouTube  apps niyo at isearch ang channel ko, Hyun Aliyah at isubscribe po. Need ko po ang 1k subscribers .At kapag nag upload ako ng video paki panood nalang po.

Heto po ang picture.

Heto po ang picture

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Oh? Anong nangyari sainyo ni Bryce? "
salubong agad ni Elise sakin.

Umupo muna ako at napatampal ng noo.

Kinuwento ko sakanya lahat lahat ng sinabi ni Bryce.

"Sidney. Mag isip ka, may ama  na nga ang anak mo. At hindi ba sabi naman niya gagawin niya ang role niya as a father at mabuting asawa saiyo? Bakit hindi mo pa siya sagutin! Kesa sa maging kawawa ang anak mo pag nag aaral na 'yan. "

Tama siya. Hindi dapat ako maging selfish. Siguro nga panahon na para bigyan ng  pagkakataon si Bryce na patunayan sakin lahat ng sinabi niya. Para rin naman sa anak ko. Para sa ikabubuti niya at para hindi siya maging kawawa paglaki niya.

Memorial Park

"IRISH, alam mo ba alam  ko na kung sino ang ama ni Baby Apple. At si Bryce iyon yung lagi kong kinukwento saiyo. At siguro tama na ang desisyon  ko na sagutin siya diba? Panahon na siguro para magmahal akong muli. "kausap ko sa lapida ni Irsih. Pinagsindi ko siya ng kandila at binigyan ng fresh flowers. Nakakalungkot isipin pero kailangan ko nalang talagang tanggapin.

Actually matagal ko ng tinggap na wala na siya. Pero ngayon nanumbalik nanaman ang alaala niya sakin. Lalo na naalala ko ang insidenteng nangyari samin.

"Ela.. "paglingon ko at nakita ko si Bryce na nakangiti. Hawak ang isang bouquet  of roses. Hindi siya nagtanim ng sama ng loob sakin?

"Ela. Nandito ako para sumubok. Sumubok hanggang sa makamit ko ang mithiin ko. Ano ba iyon? Ikaw Ela. Matagal na kitang pangarap..."lumuhod pa ito sa harapan ko. Kaya di ko maiwasang hindi kiligin neto.

Parang nanumbalik ang pagka teenager  ko dahil namumula ang mukha ko.

"Tumayo ka nga diyan Bryce. Pinagtitinginan ka na ng mga tao dito ohh"
bulong ko sa kanya kaya tawa tawa siyang tumayo at pinahawak ang bouquet  saka ako inakbayan.

"Mahal na mahal kita Ela... Please... say yes."bulong din nito kaya napa isip ako. Ito na ba ang tamang panahon? Para sagutin siya at buksan ang puso kong matagal ko ng tinuruan na huwag magmahal?

BUONG gabi halos gising lang ako. Iniisip ko kung sasagutin ko ba si Bryce o hindi. Ewan ko ba. Hindi ko pa kasi nakikita kay Bryce na seryoso Siya. Sa dating niya babaero siya, lapitan ng babae. E gusto ko kapag nagmahal ako, ako lang. Wala akong makikita na may lalapit sa kanyang ibang babae. Ewan ko ba! Selfish ako. Pero sabi nga nila, hindi naman tinitignan sa looks ng isang tao. Tignan mo muna kung ano talaga ang ugali niya bago husgahan.

Kaya hindi ako makatulog ngayon. Siguro papahirapan ko muna siya sa panliligaw sakin. Hindi naman totally papahirapan, ipapakita ko lang sa kanya na hard to get ako. At doon ko makikita na talagang seryoso siya.


Ang Prosti GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon