Chapter 5 (Writing song about you)

133 2 0

"Sabihin mo na kasi!"

pangungulit sakin ni Jennie.

Kanina pa niya tinatanong sa akin yung tungkol sa naudlot kong pagsasabi sa kanya kung bakit ko nagustuhan si Nat habang naglalakad pauwi.

Aminado naman akong gusto ko si Nat kaso hindi halata dahil kung kiligin ako ay mamumula at ngingiti lang.

Hindi ako katulad ng karamihang babae na nanghahampas ng katabi nilang gusto na silang sabunutan sa sakit.

Sanay lang kasi ako na kapag nasa bahay ako na simpleng ngiti at pamumula ng mukha ang nakikita sakin ng mga magulang ko dahil pwede akong mapagkamalang baliw ng mga iyon at baka madala pa ako sa mental.

 Pero seryoso.. magwawala yung mga yun pag nakita akong kiligin kasi ngumingiti pa nga lang mag-isa habang nagtetext, issue na... yun pa kayang kiligin ako ng todo.

"Alam mo na naman eh!"

sigaw ko sa kanya, ang kulit eh!

"Kahit na..sabihin mo na!"

 sigaw ulit niya.

No choice na ako...

Malalaman din naman niya eh.

Suko na ako sayo Jennie.

"Ang cute ng mga mata niya kahit ang layo sa gusto kong singkit, yung ngiti niya na parang nang-aasar na nang-aakit ay masarap titigan, kaya niya akong patawanin kahit madalas corny yung mga jokes, ang ganda ng boses niya kahit kung magsalita akala mo pambasag eardrums, ang galing niya maggitara kaya parang gusto kong lumapit sa kanya at magpaturo, gentleman minsan, may kusa sa mga gawain, at kaya niya akong pakiligin ng bonggang bongga."

 sabay ngiti.

"Hindi naman masyadong detalyado kung bakit mo siya gusto?"

 naiiritang tanong niya.

"Kaya ayokong sabihin sayo eh!"

Sinabi na nga sayo demanding ka pa!

"Hahaha! Ayos lang yan..."

"Actually, dahil nga rin sa kanya, nakagawa ako ng kanta kagabi lang"

 "Patingin!"

Ayy.. bakit ko sinabi?

PATAY!

"Mamaya punta ka na lang sa amin para makapagbihis ka muna"

SHEEEEESSH... anong nangyari sakin?

Bakit ok lang sakin na makita nitong babaeng to yung nonsense na kantang yun?

Ni wala ngang rhyme dun.

Di naman kasi talaga ako songwriter at mahina ako sa rhyming at english.

Nalagyan ko lang siya ng tono..

"Sige"

 nagmamadali siyang tumakbo.

( B A H A Y )

"Melody?"

sigaw ni Jennie mula sa labas.

"Pasok! Pakisara na lang yung gate."

Agad na pumasok si Jennie at sumunod sa akin papunta sa kwarto ko.

Binuksan ko agad ang folder na My Documents at pinindot ang file na may file name na "YOU"

What About Us?  [COMPLETE]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!