Author's Note:

Hey guys! May bagong fantasy story po ako (nanaman haha!) The Jerk is a Ghost. Sana mabasa niyo. Pati na din Living with a Half Blood.

Btw last 3 chapters nalang po tayo dito (or 4? Di sure). Sana sa mga silent readers or hindi pa nakakapag comment, comment po tayo bago matapos ang story okay ba?

Thank you sa lahat ng nagbabasa ng story na ito especially sa patience dahil alam ko naman na matagal akong mag update.

Enjoy reading. Simulan na ang countdown!

@april_avery

***

Chapter 32: The Augury's Revenge

"Collin, kailangan nating hanapin si Jett at Ariela. Kailangang malaman nila ang nangyayari."

Pinagmasdan ni Snow at Collin ang pintong nakasara at ngayon ay binabantayan na ng apat na guard. Mukhang habang tumatagal mas dumadami ang mga guards na nagkalat sa Hall.

Nagsimula ng magtaka ng husto ang mga tao. Halos wala ng nagsasayaw. Nagbubulungan na ang ilan at nagtatanong kung anong nangyayari.

Isang lalake ang umakyat sa isang platform na nakaset sa harap ng Hall kung saan nagsalita si Georgia kanina para simulan ang Royal Ball. Ang lalake ay nakasuot ng cloak na may logo ng Mirandi. Mas mataas ang rank nito kesa sa mga ordinaryong mga taga bantay.

"Mga minamahal na bisita ng palasyo." panimula nito sa formal na boses.

Nakuha niya ang attention ng mga taong nasa Hall kasama na si Snow at Collin. Seryoso ang mukha nito. Para siyang may pagkakahawig kay Headmaster Cray pagdating sa authority na pinapakita.

"Nais ipaalam ng mahal na Headmistress ang kagalakan niya sa inyong pagdalo sa pagtitipon na ito. Sa ilang sandali ay maririnig natin ang kanyang mensahe sa mga mamayaman ng Mirandi. Maraming salamat."

Nakahinga ng maluwag ang mga tao. Umalis ang lalake sa podium at dumerecho sa likod ng platform kung saan hindi na siya nakita pa ng dalawa.

"Kaya naman pala." sabi ng isang bisitang nakatayo malapit kay Snow at Collin.

"Akala ko naman kung ano ng meron. Naghahanda lang pala." sabi ng kasama nito.

Muli nilang isinuot ang kanilang mga mask at pumunta sa dance floor. Muling bumalik ang festive atmosphere sa paligid.

"The man is lying." biglang sabi ni Collin. "Tingin ko kailangan na natin silang hanapin." tukoy niya kay Jett at Ariela.

Paalis na sila ng Hall nang biglang namatay ang lahat ng ilaw sa palasyo. Biglang may sumigaw at doon na nagkagulo. Nagsimulang mag panic ang mga tao.

"COLLIN." she gasped. Nangilabot si Snow sa nangyayari.

Nagbago na ang atmosphere sa paligid nila. Para bang ito na yung senyales na hinihintay nila mula nang makitang may hindi tama. Isang senyales na may masamang mangyayari. The calm is gone. This is the storm.

May narinig silang nagbangaan. May mga natumbang table at nabasag na glass. Ang iba nagmamadaling makalabas ng palasyo. Pero hindi masisisi ni Snow kung magpanic sila ng ganito.

Pinapagana ng charm ang lahat ng facility sa kastilyo kasama na ang kuryente at security. May central processing area sa loob nito kung saan nakasentro ang lahat ng activity ng kastilyo.

Kung nagkaroon ng kahit konting malfunction man dito dalawa lamang ang ibig sabihin nito. May nakapasok doon o hindi naman kaya ay may kumo-control dito mula sa labas. At isa lamang ang kayang gumawa ng huling bagay na nabangit.

Charm Academy: School of Magic (Published Under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!