†Lost My Soul† ~Chapter 2~

189 4 3

           Pagkatapos ng walong taong pagsasanay ni Kathryn sa America, bumalik na siya dito sa Pilipinas para gawin ang ipinangako niya sa kanyang mga magulang. Handa na siyang lumaban. Handa na niyang harapin  ang mga bampira.

"Nagbalik na ako. Handa na ako." Sabi ni Kathryn sa kanyang sarili pagkalabas ng airport.

"Chandria!" Tawag sa kanya ng isang lalaking pamilyar ang boses. "Chandria."

"Kuya Neil?" Pinagmasdan ng mabuti ni Kathryn ang lalaki. "Kuya Neil. Ikaw nga. Kamusta na?"

"Ikaw ang kamusta. Wow. Ang laki mo na. Dalaga ka na. Ano? May boyfriend ka na ba?" Pabirong tanong ni Neil kay Kathryn.

"Wala 'no. Tsaka, alam mo namng may kelangan pa akong tapusin." Seryosong sagot ni Kathryn.

"Hmm." Ginulo naman ni Neil ang buhok ni Kathryn. "Tara na nga. Uwi na tayo. Maraming naghihintay sa'yo sa mansion."

      Pumasok naman si Kathryn sa kotse at umalis na.

-------------

  Sa mansyon naman ng mga bampira, kung saan naghahanda ang lahat para sa pagdating ni Daniel galing ng Canada. Doon kasi siya nanirahan ng limang taon. Ayaw kasi niyang lumaki sa mansyon nila. Ayaw niyang mamuhay bilang bampira. Gusto niyang mamuhay bilang isang normal na tao. Ayaw niyang maiba siya sa mga taong nakapligid sa kanya. Kaya't pinagpasyahan niyang sa Canada manirahan.

  Pagdating naman niya dito sa Pilipinas, alam niyang mag-iiba na ang takbo ng buhay niya. Babalik na siya sa pamumuhay bilang bampira. Pero kahit anong gawin niya, alam na niyang wala na siyang magagawa at hindi na niya ito matatakasan pa.

"Daniel, iho. I'm glad you're back." Bati sa kanya ng kanyang Tita Victoria. "Are you ready? Handa ka na bang harapin ang mga lobo?"

"Tita, please. Not now." Naiinis na sagot niya sa tita niya at umakyat papunta sa kanyang kwarto.

   Pagpasok niya sa kanyang kwarto, agad siyang nahiga at sinuot ang mga headphones niya. Napaisip siya ng malalim. Iniisip niya kung paano  mawawala sa kanya ang pagiging bampira niya.

"Paano kaya kung..ah hindi-hindi..Eh kung... Hindi pa rin pwede..Uhm?...Argh! Ano ba 'to? Ang hirap naman nito." Naiinis na sabi niya sa kanyang sarili.

"Mahirap ang alin?" Lumingon si Daniel sa may bintana at nakita si Diego. "Tara, gimik tayo."

"Pare, paano ako makakalabas, bantay-sarado kaya ako." Sagot naman ni Daniel.

"Pare, baka nakakalimutan mo? Bampira ka. Kaya mong lumipad, tumalon ng mataas." Sabi sa kanya ni Diego. Napaisip naman ulit si Daniel.

'Kahit papano pala may advantages ang pagiging bampira.' Sabi ni Daniel sa isipan niya. "Sige, tara na." Sabay talon mula sa ikatlong palapag ng mansyon nila.

--------

     Masaya naman ang lahat sa pagdating ni Kathryn sa mansyon. Lalonh-lalo na ang kanyang lolo at ang kanyang mga ibang pinsan.

"Chandria, how's life? Nakapagsanay ka ba ng mabuti?" tanog ng kanyang lolo.

"Yes 'lo. Actually, I'm ready. Handang handa na ako."  Sagot ni Kathryn with evil smile.

"Uhm. 'Lo, pwede ko bang isama si Kathryn sa school?" Sumingit naman ang pinsan ni Chandria na si Athe. "Tutal, doon naman itutuloy studies niya eh."

"Sure." Sumagot agad ang lolo nila. Pagkasagot naman ni Lord Morgan, hinila na agad ni Athea si Kathryn palabas ng bahay.

---------

   Habang nagdadrive si Diego, napansin naman ni Daniel na patungo sila sa dati niyang school.

"Diego, mali yata 'tong dinadaanan mo. Daan papunta sa school ito ah." Sabi ni Daniel sabay lingon sa labas ng kotse.

"I know." Nakangiting sagot ni Diego. "Sinabi kasi sakin ni lolo na dalhin kita dito sa school eh. Eh, alam ko namang hindi ka sasama kung sasabihin kong pupunta tayo doon. Kaya sinabi kong gigimik tayo." Dagdag naman niya.

"Hay naku." Napailing na lang si Daniel. at hinayaan na lang si Diego na mag-drive.

"Andito na tayo." Sabay baba ng kotse. "Eto ang magiging school mo." Sabi ni Diego pero napansin niyang wala siyang kinakausap dahil nasa loob pa pala ng sasakyan si DJ. "Walang'ya talaga 'to kahit kailan." Bulong niya sa sarili niya. "Baba na po!" Bumaba naman si Daniel sa sasakyan. "Welcome to your new school."

   Tinanggal ni Daniel ang shades niya. Pinagmasadan niya ang buong paligid. Malawak ang school nila. Parang ka lang nasa school nila Harry at Hermione. Maraming puno, actually, napapalibutan ito ng mga halaman.

"Maganda." Yun lang ang comment ni Daniel sa school niya. Napasimangot naman ng mukha si Diego.

"Tara na nga." Inis na sabi ni Diego at lumakad na sila papasok ng school. "O ikaw, di ka naman siguro mawawala sa dito. Punta na muna ako sa klase ko." Maglalakad na sana si Diego pero lumingon ulit siya kay Daniel. "Syanga pala, wag kang mambababae dito ah."

"Ano ako? Gaya mo? Sige na. Alis na!" Nag-smirk naman si Diego at naglakad papunta sa klase niya.

  Naglakad-lakad naman si Daniel sa campus ng school. Alamni Daniel na matindi ang sikat ng araw, pero may kakayahan siyang magbilad dito, pero hindi ganun katagal. Habang nililibot niya ang buong campus. Nakasalubong niya si Kathryn at nakabangga ito.

   Napahinto ang dalawa sa paglalakad at nagkatitigan sila. Ilang segundo rin silang nagkatitigan at para bang may bumalot sa kanilang katawan na kakaibang aura. Ngayon lang nila ito naranasan. Parang may aurang pumasok sa loob ng katawan nila na hindi sila makagalaw.

------------

 OOOOPS! bibitinin ko na muna kayo guys ah... Sorry nga pala sa sobrang late na update! hihi..

Yun lang..

WATCH THE VIDEO BESIDE! ------>

Lost My SoulBasahin ang storyang ito ng LIBRE!