Chapter 4 (Kaya mo kaya?)

Magsimula sa umpisa

"H-huh?"

kunyari gulat na gulat.

Hindi ko na malaman kung ano ang sasabihin ko.

Bakit ko nga ba siya nagustuhan?

Dahil ba magaling siya mang-asar, cute siya o may kamuka siyang alien?

Kahit ako hindi ko rin alam..

"Ano nga?"

 naiinip na sya.

"Eh kasi ano.."

Pano ko ba sasabihin to?

"SASABIHIN MO BA O ANO?"

 sigaw niya.

Wait lang!

Wag atat brad nag-iisip pa oh!

"Eh kasi---"

"HELLO MELODY!"

sigaw ni Nat na kapapasok pa lamang sa room.

SAFE!

Buti na lang sakto ang timing nitong mokong na to kundi patay na ako sa babaeng to.

Pero ngayong nakita ko na si Nat ng harap harapan, bigla akong kinabahan na ewan at hindi ko alam kung makakapagsalita pa ako.

Parang may nakabarang kung ano sa lalamunan ko..

DUGDUG DUGDUG DUGDUG DUGDUG

"Ay bastusan!"

 pagwawala nung isa.

Hahaha galit na talaga siya!

Magsosorry ako sa bruha mamaya kapag nawala na yung kaba na galing dito sa lalakeng to.

Konting tiis lang Jennie... malalaman mo rin ang buong katotohanan!!

"Hala bakit?"

 buong pagtatakang tanong ni Nat.

"WALA!"

sabay walk-out.

"Anong meron dun?"

"Wala..."

Wala rin namang patutunghan yan kahit sabihin ko o hindi.

Sungit Mode : ON

"Maiba ako..."

"Ano?"

Ano nanaman kaya sasabihin ng lalakeng to?

Siguro pick up line nanaman na corny!

Oh kaya naman mang-aasar..

Baka naman kukulitin akong sabihin sa kanya kung bakit nagkaganun si Jennie?

Ano?!!!

Kinikilig na ako ihhhhh... hahaha

"Kelan mo ako sasagutin?"

Hala ka Melody! anong sasabihin mo sa kanya?

You need to choose your answer between love or promise to yourself!

BATMAN HELP ME NOW!

Jennie.. kelangan kita dito..

HELP ME!!!!!!!!!!!!!!

"Kaya mo bang maghintay?"

hindi ako sure sa mga sinasabi ko! 

"Gaano ba katagal?"

kalmadong tanong niya

"Hanggang sa makapagtapos ako ng pag-aaral at magkaroon ng trabaho."

SHOCKS!

Ngumiti sya.

 Anyare dito?

"Kaya kong maghintay basta ba ako lang."

 sabi niya sabay ngiti.

WAG KA NGA!

Nikikilig me ehhh..

haha!!

"Wag kang puro salita, gawin mo"

"Syempre, mahal kita eh!"

"SUS! mga lalake talaga!"

"Ito naman oh! Ayaw maniwala..."

 sabay pout.

AWWW... Ang cute niya!

"Eh sa ayoko kasi hindi ka kapani-paniwala"

 sungit overload!

"Kahit anong sabihin mo diyan, mahal kita. Ikaw lang!"

"Wag mong sabihin---"

"Gawin.. oo alam ko na yan. Lagi mong sinasabi sa akin yan kahit nung una kitang naka-usap ng matino"

"So hindi ako matino?"

"Ikaw na nagsabi niyan.."

sabay tawa.

Isang malakas na hampas lang ang binigay ko sa kanya.

Sana lang kaya mong panindigan ang mga sinasabi mo ngayon.

What About Us?  [COMPLETE]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!