For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter 4 (Kaya mo kaya?)

141 2 0

Okay! ngayon sasabihin ko na sa kanya kung pwede siyang maghintay....

Kinakabahan ako!

Wag na lang kaya?

Baka umayaw din siya tulad ng iba...

Sagutin ko na lang kaya siya agad?

Pero pangako ko naman sa sarili ko ang hindi ko matutupad..

ARG!

Pano na yan?

BAHALA NA LANG BA SI BATMAN?

"HEY! Tulala ka diyan?"

sigaw ng bestfriend kong si Jennie.

Infairness nagulat ako dun!

Kita nang tulala, gugulatin pa.

Natural na talaga to sa kanya..

Napaisip tuloy ako bigla kung bakit nga ba ako nagkaroon ng bestfriend na ganito ang ugali??

Napaka abnormal niya.. SWEAR!!!

"Masama maging tulala?"

 masungit kong tanong sa kanya.

Aba sure naman ako na alam niya kung bakit ako nagkakaganito ngayon.

Yan pa!

Kilalang kilala na kaya ako ng bruhang yan.

"Iniisip mo siya no?!"

 panunukso ng loka.

Oh diba!

Kilala talaga ako ng bruhang lokaret na yan!

"Sino siya?"

 pagmamaang maangan ko naman.

Bakit ba kasi kailangan na alam ni Jennie lahat ng mga bagay na tumatakbo dito sa utak ko?

Is she my long lost sister?!!!!

HALA!

Ok alam ko OA na ako..

"Edi siya..."

sabay turo sa labas.

Napatingin naman ako sa tinuro ni Jennie.

SHOOT!

Dapat pala hindi nalang ako tumingin kasi nakangiting Nat ang bumungad sa mata ko.

Ang hirap na iwasan..

"H-hindi no!"

 denial queen ang peg sabay silip ng konti kay Nat.

"Deny pa! Halata namang siya!"

hindi kumbinsidong sabi nya.

Oo na.. alam kong madali akong mabasa.

"Edi siya na!"

pasigaw na sagot ko.

Wala naman akong maililihim sayo eh! no choice ako te!

"So... can we have a girl talk?"

 seryosong tanong niya na excited pa yatang magtanong.

"Tungkol saan?"

pagmamaang maangan ko.

"Bakit mo siya nagustuhan?"

BOOM!

What to do?

What About Us?  [COMPLETE]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!