Chapter 15 [Part 2] - I Got Your Back

171K 1.1K 115

[Luigi's POV]

"Wag na kaya Laureen", tumigil ako sa pagsisintas at tinanggal ulit ang sapatos ko.

"Wag mo ako alalahanin dito", sabi ni Laureen.

"Sigurado ka ba dyan ha?", tanong ko sa kanya.

"Oo nga", sabi nya.

 

Ayokong iwanan si Laureen ngayon. Kaso gusto nya naman akong pasamahin kay Jake. O baka gusto lang ni Laureen na mapag-isa muna para makapag-isip-isip sya kaya gusto nya umalis ako? Baka nga. Sige, sasama na ako kay Jake.

  

"Ok sige", sabi ko kay Laureen at sinuot ko na ulit ang sapatos ko at pagkatapos ay pumunta na sa may pintuan.

"Luigi!"

Lumingon ako nung tinawag ako ni Laureen, "Mmm?"

"Sama ako?", tanong ni Laureen sa akin. 

Eh? Gusto nya sumama? Pinagmasdan ko si Laureen. Mukhang ayaw nya din ata maiwan mag-isa.

At ayoko din naman syang iwanan ngayon.

Ngumiti ako kay Laureen, "Sige na, bihis na Laureen", sabi ko sa kanya.

Dali-dali syang tumayo sa kama at pumunta sa cabinet.

"Eto pwede na 'to?", tanong ni Laureen sa akin habang winawagayway ang isang mini-dress na kulay black.

"Hmmm. Too short", sabi ko. Mukha naman talagang maiksi.

"O?", nakakunot noong sabi ni Laureen.

"Yes, masyadong maiksi", sabi ko.

"Ok", mahinang sabi nya. Naghanap sya ulit sa cabinet.

"This one?", pinakitaan nya ako ng isang dress na kulay red.

"Too flashy", sabi ko.

Nag-pout sya sa akin. I smiled. Ang cute nya.

Love Will Find A WayBasahin ang storyang ito ng LIBRE!