(Lia)

May dinner na naman kami kasama ang mga Padilla. Sa una palang, alam ko na agad ang balak ni mommy at ni daddy sa akin. Yeah, binibigay nila sa akin lahat ng kailangan at gusto ko. Pero pag dating sa business, sila ang masusunod. Mas inuuna na nila ang pera. Kaya alam ko na kahit ano pang pagtutol ang gawin ko, matutuloy pa rin ang kagustuhan nila. Never ever pa akong tumutol sa mga kagustuhan nila. Kasi alam kong sinasayang ko lang ang laway ko.

"Lia, batiin mo naman sila." Mahinang saad ni mommy.

"Yeah, hello, whatever." Saad ko. Bitch na kung bitch pero ganito talaga ang ugali ko. Hindi ko pa naranasan maging malaya. Simula pa lang, kontrolado na ng mga magulang ko ang buhay ko.

"Lia!" Sigaw ni daddy.

Ugh! What the heck?! Pasalamat nga sila sumama pa ako.

"It's okay, Dennis. Uh, Lia... nasa garden pala si Daniel." Nakangiting saad ni Mrs. Padilla. Like I care? Wala naman akong pakialam kung nasan si Daniel!

Ugh!!! Ayaw ko dito!!!!!

Pumunta ako sa sala ng bahay ng mga Padilla. Nakaupo si Sue habang nanunuod ng cartoons. Si Arie naman, nagbabasa ng magazine. Tsk. Pinakilala pa ni mommy sa akin ang kapatid ni Daniel. Like I care?! Ayaw kong magpakasal sa taong hindi ko mahal!

Ang corny ko tuloy.

"Hi, ate Lia!" Masayang saad ni Arie.

Tiningnan ko lang siya at umupo sa tabi niya.

"Wow! Super bitch ka nga! I love it!!!" Maingay na saad ni Arie.

"Thank you?" Patanong kong sagot.

 

Tumayo naman si Sue at lumapit sa akin. "Gusto ko lang i-inform sayo na may girlfriend si kuya. Kung ikakasal man kayo, itigil mo na. Baka naman makinig sayo ang magulang mo. Mahal na mahal ni kuya ang girlfriend niya. At kung ikakasal kayo, masasaktan siya. Kaya please lang." Saad niya at tumakbo palayo sa akin.

"Argh! Ang tae talaga ni Sue!" Tiningnan ako ni Arie at ngumiti. "Wag mo na siyang pansinin, ate Lia. Mas maganda ka naman sa girlfriend ni kuya. At mas boto ako sayo. Kaya sana ipakasal talaga kayo sa future. Omg! Magiging happy talaga ako!" 

Tumayo ako at iniwan si Arie. 

May girlfriend pala si Daniel. Wala rin namang mangyayari kung tumutol kami sa plano ng mga magulang namin. Para sa kanila, mas mahalaga ang business.

Kaya... kailangan na niyang iwan ang girlfriend niya.

Fifteen SecondsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!