CHAPTER IV - Happy Birthday, TJ :)

164 6 6

CHAPTER IV

MONDAY.

TJ's POV. 

AUGUST 9 . :>

WOW! Today, nadagdagan na naman ng isang taon ang buhay ko. Thank you, Lord!

At, WOW ulit. Sabog ang inbox ko. Tadtad ng greetings at greetings at greetings. Yung iba nga, sinakto pa ng 12 eh. In fairness, naalala nila. :')

Kaya naman, pinilit ko talagang pumasok ngayon. Medyo okay na naman ako eh. Medyoo~

"Oh. TJ." Pambungad ni mama. "Happy birthday anak ha? Umuwi ka ng maaga mamaya. I'll leave my office early. Gusto kong makasama ang only baby ko." Sabay yakap sakin.

"Ma.. Ang cheesy mo ngayon. Di bagay!" Kantyaw ko sa kanya.

"Hahaha. Eto naman oh. Love you, nak."

"Love you too! Tama na! Masyado na tayong matamis!"

"Haha. Etong batang to oh. Minsan lang ako maglalambing eh. Dalaga ka na nga pala. Oh." Sabay abot ng pera sakin. WOW. "Treat mo nalang yung friends mo. Di kasi ako makakapagluto dahil sa trabaho ko."

Nga naman. Workaholic nanay ko eh. Si papa naman, nasa ibang bansa. :(

"Magpahatid ka ulit kay Ella . Magpasundo ka na rin. Alam kong napaayos na nya kotse niya."

"Ma, kaya kong magcommute okay? Ginawa mo pang driver si Ate."

"Hahaha. Makulit na bata. Para maaga kang makauwi. Tska, pagbibigyan ka nun, birthday mo naman eh."

"Tama . Tama. Oh. Tara na, Tonie. Baka malate ka pa. Buti nalang, 1:00pm pa yung first class ko." Si Ella yun. :>

"Ayos lang ba talaga sayo ha?"

"Siyempre naman, birthday girl."

Nakatulog lang ako sa buong byahe. Andami kong bitbit ngayon. Nakoo. Buti nalang inihatid ako ng babaeng 'to. 

--

Normal lang naman ang lahat ngayong araw. Well, medyo weird ng konti. Uhh. Kada daan ko kasi, may kakanta ng 'happy birthday' okaya may regalo pa silang nalalaman. Naks. Nakakatouch. T.T 

Nakasalubong ko yung grupo ng mga babae. Di ko sila kabatch. 1st year, i guess. At dahil binati nila ako, at hiwahiwalay pa. Eh nagthank you din ako isa-isa. Dahilan para di ko mapansin ang daan.. at dumadaan.

*Boooogsh*

"Araaay!"

Nakabangga ako ng--

Nako Lord, ito na po ba regalo niyo sakin?

Maputing balat. Hiyang hiya ang morenang ako. 

Yung buhok niya.. Bagsak na bagsak. Medyo mahaba pero hindi nagmumukhang emo dyan sa kanto. Parang sa anime lang. 

Yung katawan, sakto lang. Hindi mataba, hindi payat. Hindi macho nor patpat. Tama lang talaga. 

Yung height niya, wahla. Antangkad. 

"Uhh. TJ, mabigat ka."

WHAT?! Ano ba 'yang iniisip mo?! CUT!

"Uhh. Sorry. Sorry talaga." Tumayo na ako mula sa pagkakadagan ko sa kanya. Gosh. Nakakahiya!

"Ayos lang." Then he flashed a smile. "Ingat ingat. Birthday mo pa naman. Happy birthday." Tas umalis na siya.

Letters to TJ *Hiatus*Basahin ang storyang ito ng LIBRE!