********************************************

CHAPTER 5

Samantala naipasok na ni Bernard ang nagpupumiglas na si Samantha sa loob ng sasakyan nang walang kahirap-hirap. Dire-deretso nitong ikinabit ang seatbelt niya at umikot na sa driver's seat.

Kapwa sila humihingal sa loob ng sasakyan.

Maraming katanungan ang nag-uunahan sa isip niya na nais itanong dito.

Gusto niya sanang tanungin kung sino ang babaeng halos kayakap nito sa bar kanina.

Na maliban kay Vernice ay may iba pa pala itong pinagkakabalahan?

Ilan pang mga babae ang kaagaw niya sa atensyon nito?

Ngunit hindi siya makapagsalita at tila naumid ang dila niya.

Ngunit iisa lang ang sigurado siya. Nagseselos siya. Nagngngitngit ang kalooban niya sa sobrang selos.

Tahimik na pinaandar ni Bernard ang ignition kasabay paharurot na lumabas sa bar na iyon. Napakapit siya sa holder sa itaas ng bintana while cursing silently.

Salamat sa seatbelt kung hindi kanina pa siya sumubsob sa dashboard.

"Ano ba, mababangga tayo sa ginagawa mo!" Bulyaw niya rito na kinakabahan sa bilis ng pagpapatakbo nito.

Hindi ito kumikibo ngunit medyo binagalan naman ang speed ng pagtakbo hanggang sa maging normal na lang. Napahinga siya nang maluwag sabay sandal sa headrest ng upuan at marahang pinikit ag mga mata. Tila naliliyo siya.

In a few minutes nasa tapat na sila ng Villa. Madilim na ang buong kabahayan, tulog na ang mga tao.

Tila naliliyo pa siya sa biglang bilis ng pagharurot kanina. This time hindi siya nag-iinarte at talagang tipsy na siya pero kaya pa naman niya kahit papaano.

Pasimple niyang sinulyapan ang binatang tahimik na bumaba ng sasakyan at seryoso pa rin ang anyo.

Naisip niya ang plano.

Oo nga pala! Muntik na niyang makalimutan!

Hindi pa rin siya kumilkilos sa kinauupuan. Nagulat siya nang bumukas ang pinto ng sasakyan.

Nag-anyo siyang nahihilo na napakapit sa sentido which is half-truth naman kahit papaano. Siguro nga dahil sa epekto ng nainom na tequila.

Kasabay nun ay pasimpleng pumikit, tama lang na nasisilip niya pa rin ang anyo ng binatang ngayon ay palapit sa kinauupuan niya.

Napasinghap siya nang bigla siya nitong hilahin palabas sabay buhat papasok ng malaking bahay. Hindi siya umimik at isiniksik ang ulo sa balikat nito. Nalalango siya sa bango nito.

CARESSBasahin ang storyang ito ng LIBRE!