CHAPTER ONE

12 0 0

Chapter 1

"Kit, tara labas tayo. Mag-salamin tayo" aya ko sa bestfriend kong si Christine. Wala kasi kaming teacher nun. Teacher? Haha. First year high school pa lang kasi kami.

"Kit, tingnan mo 'tong bagong pulbos ko oh. Kulay pink, pangpa-blush ng cheeks." sabi ko kay Christine.

"Sasampalin na lang kita para mamula pisngi mo" sabi sa akin ng bestfriend ko.

"GAGA!" patawang sabi ko habang naglalagay ng pulbos sa pisngi ko.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH"

napatingin kami sa may hagdan na malapit lang sa pinagsasaaminan namin. Ang lakas ng tawanan nila, kaya pala, mga lalaking nangtitrip ata? First year din kaso ibang section. Pinagtatawanan nila yung kasama nila, si....

"Kit! Diba yun yung laging nakakasama ni Adrian? Bestfriend niya ata yun eh. Ano nga ba pangalan nun? Ji..Ji.Jimuel ba?"

"Ewan ko. Tara na. Anjan na si Mdm."

Ex-boyfriend ko si Adrian, first boyfriend ko rin. Naging kami nung Grade 6 ako kaso since puppy love lang, nag-break din kami kasi nakita ko siyang may kasamang ibang babae. Matagal din kami. 7months.

"Ms. King?" tawag sa akin nung teacher namin.

"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa nakatulala sa labas ah. Sino bang tinitingnan mo dun?"

"Ah. Wala po Mdm. Sorry po. May inisip lang po ako." sagot ko sa kanya.

"Kit, ayos ka lang?"

"Oo naman." kahit putang inang hindi.

Mahal ko pa kasi si Adrian eh. Nag-break kami ng ni hindi man lang nakakapag-usap sa personal. Oo. Sa text ang naging kami, sa text lang kami nag-uusap. Minsan sa friendster.(friendster pa uso noon) Tingin tingin lang, ngiti ngiti. Ganun lang. Pero nabigyan naman niya ako ng stuff toy nung Valentine's. :"> Na isinoli ko rin nung nagbreak kami. Ayun, bali-balita may crush na raw iba si Adrian, tapos may nagkakagusto rin daw sa kanya sa loob ng room nila. Na ikinasama ng loob ko. Nagkikita pa rin kami, nagkakasalubong tapos nakikita ko nga na ang lagi niyang kasama eh yung Jimuel. Transferee yun. May ichura naman kaso parang bakla! Babakla-bakla kasi kumilos.

"Elikah!" tawag sa akin nung kaklase ko dati. "May nagpapabigay sa'yo nito oh"

May inabot siya sa akin na blue paper. "Kanino galing?"

"Basta. Sige, una na ako" tapos umalis na siya. Ano kaya 'to? Binasa ko, yung nasa loob ng sulat eh parang secret admirer ko siya. At ang detail tungkol sa kanya eh yung codename niya lang na "M.27" hala? Sino ka yun?

Diary of NanaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!