Chapter 36: Mag-lock

Magsimula sa umpisa
                                    

"Uhh... nagsasawa lang ako dun. Maingay kasi," sabi ni Tristan sabay tingin sa akin.

"Syempre ako ang pinupuntahan ni Sir!!" confident na sabi ni Christine.

"Asa ka naman! Ako kaya 'yun!" kontra naman ni Kim.

"Kayong tatlo, umayos nga kayo! Magsasara na!" sabi ni Ira.

"Hmp!" pagmamaktol ni Clarisa. Padabog siyang umalis pero syempre nag-flying kiss muna siya kay Tristan. Napatawa na lang ako.

"Tss. Bigla ka naman atang napapadalas dito ngayon? Mabuti 'di ka nahahalata!" sabi ni Ira kay Tristan.

"Tss. Huwag ka ngang maingay," saway ni Tristan. Padabog namang umalis si Ira sa kinatatayuan namin.

"Napagod ka ba?" tanong niya.

"Hindi naman. Ayos lang. Sige na, mamaya na lang ha? May gagawin pa kasi ako. Baka pag-initan na naman ako nung Ira na iyon."

"Haha! Pagpasensyahan mo na si Ira. Ganun lang talaga siya but she's kind."

Kind? Oo na lang! Maldita kaya iyon!

Ako naman ang nagpunas ng malaking salamin sa restaurant. Pinagmasdan ko ang aking sarili at inayos ang buhok ko. Ako lang ang naiiba ang buhok dito. Magpahaba kaya uli ako ng buhok? Matagal na panahon na rin ang nakakalipas. Ang maganda kong buhok ay naging ganito kaikli dahil sa isang bet.

Hmm... Pero wala na sa akin 'yun kasi nasa akin naman si Nathan eh. Haha! Worth it! Hinawakan ko 'yung kwintas na bigay sa akin ni Moo at bumalik na uli sa trabaho.

Pagkatapos naminh maglinis ay nagsara na kami.

"Ba-bye, Mika! Ba-bye, sir!" sabi ni Clarisa na kanina pang paulit-ulit sa pagpapaalam niya.

Kahit sa pag-uwi ay magkakasama pa rin sina Christine, Clarisa at Kim. Parang triplets na sila dahil hindi talaga sila mapaghiwalay. Si Ira naman ay kanina pang nakaalis. As usual, masama na naman ang tingin niya sa akin. Parang hindi nabubuo ang araw niya kapag hindi niya ako tinitingnan nang masama.

"Ingat kayo ha?" sabi ko.

Kami na lang ni Tristan ang naiwan. Sumandal siya sa sasakyan niya.

"In love na ata ako, Mika," sabi niya. Nakakagulat na bigla na lang siyang umiimik nang ganito.

"Naks! Akalain mong mai-in love ka rin sa wakas!"

"Malas nga eh. Ito na yata ang kabayaran ko sa pagiging playboy."

"Huh? Bakit?"

"Hindi niya ako gusto eh."

"Sus! Magtiwala ka lang, bulag ang babaeng iyon kung hindi pa niya napapansin ang isang Tristan. Teka, ano ngang surname mo?"

"Dela Rosa."

"Uulitin ko ha? Bulag ang babaeng iyon kapag hindi niya napansin ang isang Tristan Dela Rosa!"

Napatawa naman siya.

"May iba siyang gusto eh. Bulag nga 'yun."

Malungkot siya. Nakaramdam din tuloy ako ng lungkot. Never ko pang nakita na ganito si Tristan. Ngayon lang. Sobrang gusto niya siguro ang babaeng 'yun. Haay, ang swerte nung babae. Sana ganyan din si Nathan sa akin.

"Pero masaya na akong nakikitang masaya siya," dagdag niya.

"Swerte naman nun! Sayang, pinalampas niya ang isang Tristan Dela Rosa! Hahaha!"

Tumingin kaming dalawa sa mga stars. Ang dami na namang bituin. Pero merong isang nagsa-shine talaga.

"Tingnan mo iyong pinakamalaking star." Itinuro niya ang pinakamalaking bituin. "Sa mga oras na ito, ang babaeng 'yun lang ang naiisip ko. Pero sa mga oras din na ito, ibang lalaki ang nasa isip niya."

Ang ganda nung star...

"Ikaw, Mika? Sinong naiisip mo sa star na 'yan?"

"Tinatanong pa ba iyan? Hahaha! Syempre si Nathan!" Tumawa siya.

"Haha! Sabi ko nga, 'di ba? Tara na."

"Teka!" tawag ko nang binuksan na niya ang pinto ng sasakyan niya.

"Sino pala ang babaeng iyon?"

"Malalaman mo rin," sabi niya sabay kindat. Parang ewan naman itong si Tristan eh... malalaman ko rin pala, bakit hindi pa ngayon? Aish!

***

"Hey! Wake up!"

Sino ba 'tong umiistorbo sa tulog ko? Nakakainis! Ang kulit niya! Tsk.

"Wake up, Mika! Aish! Ang hirap mong gisingin!"

"Asdfgh."

"Aish! Nakakainis naman! Mika Mendoza!"

Ano ba?! Inaantok pa ako! Ang sarap matulog eh! Kaya naman sinipa ko ang kung sino mang gumigising sa akin. Leche! Sa lakas ng sipa ko, siguradong tumalsik iyon!

"F*ck! Ang sakit! Bakit mo ako sinipa?!"

Pwersahan niya akong binuhat at ginawa akong parang sako dahil isinakay niya ako sa balikat niya.

"Aah! Bitawan mo ako! Mama! Mama! Kinikidnap ako!" Nagpupumiglas ako pero ang lakas niya. Teka, parang kilala ko ang amoy na ito ah?

"Jonathan, hijo, pagpasensyahan mo na ang anak ko. Talagang mahirap gisingin iyan."

Jonathan?!"

"Ha? Moo?!" Sinipa niya ang pintuan ng banyo namin saka ibinaba ang takip ng bowl at doon ako pinaupo.

"Ang sakit nung sipa mo sa akin kanina! Sh*t!"

"Waaa! Hindi mo kasi sinabi na ikaw pala 'yan!"

"Hindi mo ako nabosesan?! Aish!"

"Tsk. Huwag kang sumigaw, Moo! Kaya nananakit 'yang lalamunan mo eh! Normal tone mo na ata ang pagsigaw."

"Ah ganun pala ha?"

*splash!*

"Aaah! Ang lamig!" Buhusan ba naman ako ng tubig! Basang-basa tuloy ang damit ko!

"Hahaha! Mukha kang basang sisiw. Sige na, bilisan mo. May date tayo." Umalis na siya at sobrang lakas na isinara ang pinto. Grabe! Kapag nasira ang pinto namin, patay talaga siya sa 'kin.

Eh kasi, siguradong ako ang gagawa nun pag nagkataon na nasira! Ggggr!

Pero teka, may date raw kami? Waaaah! Ngayon lang nag-process sa utak ko 'yung sinabi niya! May date kami! Para akong batang nagkekembot-kembot sa loob ng banyo! Hahaha! Ow yeah!! Date raw! Giling mode ako ngayon! Hahaha!

"Nakalimutan ko. Ito nga pala ang towel mo." Binuksan na naman ni Moo ang pinto ng CR kaya napatigil ako sa pagkembot ko at kinuha 'yung towel sa kanya. Leche! Nakakahiya!

"Kumatok ka naman! Paano kung hubad na ako?!"

"Mag-lock ka kasi! Saka isa pa, hindi ka naman nakahubad eh. Mukha ka lang tanga na pakembot-kembot," straight face niyang sabi sabay sarado ng pinto. Napahilamos na lang ako ng mukha sa sobrang hiya!


Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon