"Okay lang po yun Tita."

"Oh sige, uuwian na lang namin kayo ng pagkain. At oo nga pala, huwag kang mag alala kay James. Kinausap ko na siya, naikwento ni Nica s'min yung nangyari kanina. Napagsabihan ko na."

"Hala tita... Nakakahiya naman po."

"Ano ka ba, ayos lang yun. Oh siya, aalis na kami. Yung mga pinto ah? Wag kakalimutan i-lock. Maraming loko loko dito sa lugar namin."

Hinatid ko sina Tita palabas, at ng makaalis sila, sinara ko at ni-lock ang pinto.

Pumunta ako sa kwarto at tinapos muna ang mga kailangan kong ayusin.

Nang makatapos ako ay nakaramdam ako ng gutom. Ang masama pa nito, itlog at hotdog lang ang kaya kong iluto.

Lumabas ako ng kwarto para tignan ang pwedeng kainin.

Nagulat ako ng makita ko si James na nagluluto. Hindi ko soya pinansin. Naiilang kasi ako sa kanya.

Dumiretso na ang ako sa sala para manood ng TV. Wala ako sa mood manood pero dahil sa ayokong magkailangan kami ni James ay eto na lang ang ginawa ko.

Gutom na gtom na talaga ako. Pero mukhang naglalaro ang kung sino mang Poncio Pilato, bigla akong tinawag ni James.

"Uhmm... Lovely, kain tayo."

Hindi na'ko nag dalawang isip pa. Pumunta ako sa dining room. Nagluto si James ng beef steak. Itsura pa lang ng ulam ay talagang natakam na'ko at kulang na lang ay tumulo ang laway ko. Pero hindi ko ito pinahalata kay James. Nakakahiya.

"Huwag ka ng mahiya. Sige na kain na." aya ni James.

Ako na ang naghain, pero napahiya akong bigla.

"Ah doon ako kakain sa kwarto namin. Pasensya na, hindi ako sanay kumain ng may kasama na hindi ko ganon kakilala."

Natameme ako, hindi ko alam ang isasagot ko.

Nakaisip na ako ng pwedeng isagot kaso huli na, pumasok na siya sa kwarto nila.

Kumain akong mag isa. In fairness, masarap ang luto ni James. Nakadagdag tuloy ng pogi points. Aaminin ko, crush ko na siya, una ko pa lang siyang makita. Pero ang suplado niya talaga.

Nakatapos na akong kumain at maghuhugas na sana ako ng pinagkainan ng may narinig akong nabasag.

Pinuntahan ko si James. Bukas ang pinto ng kwarto nila.

Nagulat ako ng nakita ko siyang nag aalis ng bubog sa kamay niya.

Nilapitan ko siya at kinuha ang kamay niya.

Hindi ako nagsalita, inalis ko ng dahan-dahan ang mga bubog sa kamay niya. Nang maalis ko na lahat ay kinuha ko ang first aid kit nila. Nilagyan ko ng Betadine ang sugat niya pero nakita kong wala silang band aid o gasa.

Kinuha ko ang panyong nasa bulsa ng shorts ko. Malinis naman ito kaya iito ang ginamit kong pang takip sa sugat niya. Itinali ko ito sa sugat niya.

Hindi ko man siya tinitignan habang ginagamot ang sugat niya, nararamdaman ko naman ang mga mata niyang nakatitig sa'kin.

Nahihiya ako at pakiramdam ko ay pulang pula na ang mukha ko pero hindi ko na lang inintindi at inisip ko na lang na gamutin ang sugat niya..

Pagkatapos nito ay lumabas ako ng kwarto ng kwarto nila at kumuha ng walis at dustpan. Inimis ko ang mga nabasag. Napansin ko na hindi naubos ni James ang pagkain niya kaya lumabas ulit ako at kumuha ng bagong makakain niya.

Pagpasok ko sa kwarto nila ay sa'kin siya nakatingin.

Binasag ko na ang katahimikan.

"Oh kumain ka na ulit. Napansin ko kasing hindi mo naubos yung pagkain mo nung nabasag yung plato. Wag kang magalala walang lason yan. At hindi rin kita susubuan. Gumagana naman yang kanang kamay mo."

Pagkatapos kong magsalita ay hindi ko na hinintay ang sasabihin niya.

Palabas na sana ako ng kwarto ng tawagin niya ako.

"Lovely... Thank you.."

Love at HomeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!