"Maya ka na magpahinga, tara sa yatch ni Paul."

And by that , nahila na ko ni Enzo papunta sa isang medium sized yatch na kasya buong pamilya. Napahanga naman ako, mas maganda kasi ang yatch niya kesa sa nabili ko nuon.

"Akyat na."

Kahit na alam ko kung paano umakyat ng yatch, binuhat pa rin ako ni Enzo. At dahil sa ginawa niya parang nakaramdam ako ng kuryente sa buong katawan ko.

"Alam na ba ni Paul na gagamitin natin to?" tanong ko para lang maalis ang kaba sa pagitan namin dalawa.

He just formed a sweet smile.

AAAIIISSSHH! Daanin ba daw ako sa ngiti?

Nakakalambot kaya ng tuhod. WAAHH!

Pagkatapos non ay pinaandar na ng isang middle age na lalaki ang sasakyan at inaya na ako ni Enzo sa harapang parte ng yate.

Hindi masyadong maaraw kaya feel free kami sa masarap na hangin na nalalanghap. Ngayon ay nasa kaliwa ko si Enzo na tuwang tuwa sa mga nakikitang mga isda at minsan ay ilang mga species sa dagat.

He wasn't aware na nakaholding hands kaming dalawa?

Pero ako, more than aware. Halos duon lang ako nakatingin sa kamay namin. Hindi ko maiwasang ipagwalang bahala. Hayyy! Gising Gabby!

"Look, ang daming jellyfishes oh." sabay akbay niya sa akin. Mukhang di talaga ito aware sa pagiging uneasy ko. Hindi ko nalang pinahalata.

It's not really a big deal.

Kinikilig lang talaga ko ehh. Hayy.

"You okay?" tanong niya sa akin ng hindi ako magsalita. Tumango naman ako at ngumiti ng malapad kaya nginitian niya rin ako habang naka akbay pa rin siya sa akin.

 Tumango lang ako at pilit na ngumiti para naman hindi na siya ulit magtanong. I mean, it's so nakakahiya namang sabihin na nakakatense siya.

Sa akala kong bahagyang paglayo niya at pagbaba ng braso niya ay nagkamali ako, only to find him hugging me from my back. And it brought me so much intensity, halos 10 times of intensity ko kanina. And I really wanted to freak out now.

 Sa totoo lang... si Enzo ba talaga siya??

"Enzo..." bulong ko pero sapat para marinig niya. His head is leaning on my shoulder kaya kahit mahina ko lang siya tinawag ay narinig niya.

My Typical Imperfect You < Finished >Basahin ang storyang ito ng LIBRE!