CHAPTER EIGHT- Comeback Is Real

4.4K 191 25
                                    

PABABA na sana ng hagdan si Brittany upang maghapunan. Pinatawag na kasi siya ni Regina. Nasa komedor na rin ang asawa niyang si Erwan at ang asawa ng nanay niya na si Dr. Kevin na ngayon ay Tito Kevin na ang tawag niya. Magkakasama na silang naninirahan sa bahay ng mga Locsin. Mahigit isang taon na rin ang nakakalipas simula ng magkaroon ng double wedding. Pinagsabay na kasi ang kasal nila ni Erwan sa kasal at ng kasal ng nanay niya kay Kevin.

Mahigit isang taon na rin simula ng tuluyang mawala sa buhay nila si Cindy. Aminado si Brittany na kahit papaano ay nakaramdam siya noon ng konsensiya. Pero nang makita niyang naging tahimik at matiwasay ang buhay nila nang mamatay si Cindy ay ikinatuwa na rin niya iyon.

Marahan lamang ang pagbaba ni Brittany sa hagdan habang hawak ang kaniyang tiyan. Siyam na buwan na ang ipinagbubuntis niya. Kabuwanan na niya at ano mang araw ay maaari na siyang manganak. Kaya naman excited na siya sa paglabas ng unang anak nila ni Erwan. Sa mga nakalipas na panahon ay talagang naging labis ang kaniyang kasiyahan. Masasabi niyang isa na silang masayang pamilya!

Nasa kalagitnaan na ng hagdan si Brittany nang maramdaman niya na parang kinuyumos ang kaniyang sinapupunan. Napahinto siya sa pagbaba sabay hawak sa barandilya dahil sa biglang panginginig ng kaniyang mga tuhod. Napangiwi siya sa pagsakit ng kaniyang tiyan.

“A-aray…” hindi napigilang daing ni Brittany.

Inakala niya na baka humihilab lang ang tiyan niya pero nagpatuloy at mas tumindi ang sakit. Doon na niya naisip na baka manganganak na siya kaya naman sumigaw na siya. “T-tulong! Manganganak na yata ako! Erwaaan!!!” Paghingi niya ng saklolo. Inulit-ulit niya ang pagsigaw hanggang sa makita niyang humahangos na dumating sina Erwan, Regina at Kevin.

Natataranta na tinulungan siya nina Kevin at Regina sa pagbaba sa hagdan habang si Erwan naman ay nauna na sa garahe para ihanda ang kanilang sasakyan papunta ng ospital.

Pagkababa niya ay sinalubong sila ni Erwan at binuhat na siya nito at isinakay sa kotse. Sumakay na rin doon sina Kevin at Regina. Agad namang pinaandar ni Erwan at kotse at mabilis itong nag-drive papunta ng ospital. Pagdating sa ospital ay agad naman silang inasikaso ng mga doktor at nurse doon. Isinugod agad siya sa delivery room dahil pumutok na ang kaniyang panubigan pagkababa niya ng kotse kanina.

Nang nasa delivery room na si Brittany ay parang mawawalan na siya bg ulirat. Nahihilo siya na para bang inaantok siya. May mga nurse at doktor na nakapalibot sa kaniya. Hanggang sa pinabukaka na siya at inutusan na umiri.

“Push, misis! Push!” utos ng babaeng nagpapaanak sa kaniya.

Isang malakas na iri ang pinakawalan niya at parang may napunit sa kaniyang pagkababae. Parang may nagwawala sa loob ng kaniyang tiyan na gusto nang lumabas. Ilang ulit siyang umiri dahil gusto na niyang matapos agad ang panganganak.

“Nakikita ko na ang ulo, misis! Push!!!”

Isang mahabang iri ang ginawa ni Brittany at biglang nagpatay-sindi ang mga ilaw sa delivery room sa hindi malamang dahilan. Umiri pa siya ng malakas at naramdaman niyang may lumabas na sa kaniyang pagkababae. Isang malakas na iyak ng bata ang kaniyang narinig at kasunod niyon ay ang pagputok ng mga bombilya ng ilaw! Nagsigawan ang mga nurse at doktor sa hindi maipaliwanag na bagay na nangyari. Kasunod niyon ay wala nang natandaan pa si Brittany dahil tuluyan na siyang nawalan ng ulirat…


-----ooo-----


MAKALIPAS ang pitong taon…

“Happy birthday, Samara!” Masayang bati ni Brittany sa pitong taong gulang na anak matapos nitong hipanan ang pitong kandila sa cake nito. Ika-pitong kaarawan ni Samara at idinaos nila iyon sa malaking bahay ng mga Locsin na ngayon ay sila na ang nagmamay-ari.

In Her ShoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon