CHAPTER EIGHTEEN: A sudden decision.

40 0 0

Nang mahimasmasan ako, at time na para umuwi. Tinext ko si mikho.

---------------------------------------------------------

To: Mikho

       Sabayan mo ko sa pag-uwi, gusto kitang maka-usap.

----------------------------------------------------------

Nang biglang

 *kringbeepkring

'Mikho'

"Oh bakit? Asan ka na?"

"Tingin ka deretso."

Pagkatingin kong ganun, ayun sya. Nakahelemet habang nasakay sa motor, at binaba nya na ung phone.

Pinuntahan ko na sya at ang sabi nya sa akin.

"Sabi ko na nga ba, hindi mo ko matitiis eh."

"Ang kapal ng mukha mo, gusto ko lang talagang maliwanagan."

"Sakay na."

Pagkasakay ko, nakita ko si shin at si ai, papunta sa kotse nila. Nakita kong tinignan ako ni shin at pansin ko sa mata nya ung lungkot.

"Halika na, mahaba pa ang ipapaliwanag mo sa akin."

"Ngayon na? O sa  bahay ko? O sa bahay mo?"

"Ngayon na."

Mikho's POV

Ang hirap nito ah. Kailangan ko pa ba talagang ipaliwanag ang lahat lahat? Bakit kasi ayaw nya na lang maniwala.

"Sabihin na nating bakla ka, o parehas tayong lalaki---"

"Bisexual, but okay sige pwede na ding gay."

"Ako muna okay?"

"Proceed."

"Mahal kita, totoo yun,kasi simula ng nakilala kita, ikaw lang palaging laman ng isip ko. Lalaki ako pero iba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko. Magkaiba kayo oo, pero sa love, hindi naman kinikilala kung ano ang gender diba?"

"Oo. Kasi ako nainlove na ako. Pero nasaktan ako, kasi pangungutya ang inabot ko, at wala namang naibalik sa akin. Kaya hindi na ako nag-eexpect na may magmamahal sa akin."

"Wag kang ganun, wag kang mawawalan ng pag-asa. Tsaka nandito na ako, wag mo ng intindihin ung past mo. Past na nga un, kailangan ng kalimutan. Intindihin mo ung present, kung ano ang meron ka ngayon."

Naramdaman ko yung kamay nya, lalong hinigpitan ang yakap sa akin. At ung mukha nya, itinago nya sa likod ko. At naramdama ko ang kanyang mgaluha. Dumadampi at tumatagos sa aking uniporme.

"Bakit ka na naman umiiyak? Wag ka ng umiyak, sige na naman oh," sabi ko sa kanya.

"Eh kasi hindi ko ito inaasahan. Nawalan na ako ng pag-asa na may magmamahal pa sa akin ng ganito. Please, ihatid mo na ako sa amin, wag ka ng magsasalita."

Hindi ko na magawang umangal pa, binilisan ko na lang ang pagpapatakbo at dumeretso sa kanila.

"Ingat ka, at salamat.," sabi nya sa akin.

"Sige bye."

Hindi ko alam kung ano itong lungkot na ito. Parang yung feeling na, 'bakit ko pa kasi sinabi, baka tuluyan lang syang mawala'.

Ayoko naman masayang ang aming pagkakaibigan eh.

Nang pauwi na ako, nakita ko ung kotse nila shin. Kung hindi ako nagkakamali papunta sya kela shueb.

My YakuzaRead this story for FREE!