"Wehh.. hindi naman si James 'to eh. Parang ang layo sa ugali ngayon. Hahaha..." sabi ko kay Nica.

"Totoo nga ate! Gusto mo puntahan pa natin si Kuya James eh."

"Nako wag na. Hindi naman kikibo yun."

"Maniwala ka ate. Kikibo yun pag nalaman niyang pinakita ko sa'yo tong litrato na 'to. Halika dali!"

Hinila na ako ni Nica bago pa man ako makapag salita.

Pinuntahan namin ang kwarto nila James. Mgkakasama sila sa iisang kwarto ng mga kapatid niya dahil pare-parehas naman silang mga lalake.

Pagdating namin doon ay naglalaro ng PS3 si James.

"Kuya, may kasalanan ako sa'yo. Hehehe..." bati ni Nica sa kanya.

Hindi lumingon si James sa'min kaya hindi niya ako napansin.

"Ano na naman 'yon?" supladong tanong ni James.

"Uhmmm.. Kuya kasi ano... Ah... Pinakita ko kay ate Lovely yung picture niyong dalawa nung bata pa kayo. Yung kiniss mo siya sa cheeks niya. Hahaha!"

"Anong sabi mo?"

Napalingon sa amin si James at bumakas sa mukha niya ang pagkabila ng makita ako na kasama ni Nica.

Tumayo siya at itinaboy kaming dalawa ni Nica.

"Di ba sinabi ko na sa'yo na huwag kang basta bastang papasok dito sa kwarto namin? Ang kulit mo rin eh noh?" inis niyang sabi kay Nica.

Bago niya sinara ang pinto ay tumingin siya sa'kin na parang nagsasabi na huwag na ulit papasok sa kwarto na iyon.

Pagkasara ng pinto, nagkatitigan na lang kami ni Nica at bago kami makabalik sa kwarto ko ay narinig namin si James na napasigaw.

"Syete. Namatay tuloy!"

"Sabi ko sa'yo eh. Masungit talaga yang pinsan mo. Tinalo pa yung babaeng menopause." sabi ko kay Nica.

"Hindi naman ganyan yang si Kuya eh. Nag iba lang ata nung dito ka na nakatira.. Yaan mo na yun ate. Sorry rin kasi pati ikaw nadamay sa kalokohan ko."

"Okay lang yun. Magpapahinga muna ako Nica ha?"

"Sige ate."

Mag aalasais na ng gabi ng magising ako. Kumakatok si tita Bea sa kwarto ko.

"Lovely iha, gusto mo ba sumama sa mall?"

Binuksan ko ang pinto.

"Ahmm... Tita hindi na po. Mag aayos po kasi ako ng gamit ko. May interview po kasi ako bukas para sa trabaho." sagot ko.

"Ahh ganun ba? Kaso gagabihin kmi nila Tito Nelson mo. Kasama namin sila Nica, Justin at Jeremy. Kung hindi ka sasama, maiiwan kayong dalawa ni James dito. Ayaw din niyang sumama sa'min eh."

Love at HomeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!