CHAPTER TWENTY-SIX

Naging madalas ang pag-uwi nang gabi ni Josh. Sa tuwing maglalambing ako sa kanya ay yakap at halik lang igaganti niya at matutulog na siya. Hindi ko na matiis ang ganoong kalagayan kaya nag-decide ako na sundan siya isang araw ng Sabado. Nagpaalam siyang may practice sa field ang soccer team nila. Malapit na kasi ang finals.

Ring… Ring… Ring…

“Rachel, pede ba kitang maabala today?” 

“O, Annette napatawag ka? Aga naman, Friend. Anong problem?”

“Samahan mo ako. May gusto lang akong malaman.”

“Saan naman?”

“Sa university. Please…”

“Mukhang may naaamoy akong selos a!”

“Rachel naman e. Say yes, okay?

“Okay. Fine. I’ll be there in twenty minutes.”

Nasa field na kami. Nagtatago kami ni Rachel sa isang puno sa di kalayuan ng pinag-eensayuhan ng soccer team. So, tototo ngang may practice sila, sa isip ko.

Maya-maya ay nag-declare ng break ang coach ni Josh. Kanya-kanya silang inom ng tubig at punas ng pawis. Napansin ko na may lumapit na girl kay Josh. Pamilyar ang hugis ng katawan at buhok. Si Linta!

“Rachel, hayun ang babaeng linta!” sigaw ko.

“Annette, sure ka? Baka naman water girl lang ng team nila yon.”

“Hindi ako maaaring magkamali. Siya yon!”

Saglit na natahimik si Rachel.

“Halika na, Annette. Walang mangyayari sa pag-iimbestiga mo. Baka mapahamak ka lang.”

“Hindi. May masama akong kutob sa babaeng yon.”

“Kutob? Kailan ka pa nagkaganyan? Hindi na healthy yan. Halika na nga!”

“Sandali lang. Please…”

Muli kaming tumingin sa kinaroroonan ni Josh. Nagulat ako dahil wala na siya at ang linta doon. Nataranta ako. 

“Rachel, wala sila doon. Saan sila nagpunta?”

“Hindi ko alam. Ikaw ang tutok na tutok ang mga mata sa kanila e.”

“Hanapin natin sila, Rachel.” Hindi ako mapalagay. Kinakabahan ako. 

Hinaltak ko siya papunta sa pinakamalapit na shower room ng mga players. Halos magkandarapa na kami sa bilis ng aming pagtakbo. Hingal na hingal kami.

Maya-maya ay nakarinig kami ng mga yabag. Agad kaming nagtago ni Rachel sa likod ng isang pader bago pumasok ng shower room. Kitang-kita kong lumabas si Josh. Agad naman siyang sinalubong ng babaeng linta. Nanlaki ang aking mga mata nang maglapat ang kanilang labi.

Hindi ko na natiis ang galit na nasa dibdib ko. Nilapitan ko sila. “Mga walanghiya!”

Nagulat sila pagkakita sa akin.

“Annette!” Si Josh.

Hinarap ko ang babaeng linta at sinabunutan. Halos isubsob ko ang mukha niya sa pader.

“Annette, tama na!” awat sa akin ni Josh.

Sa galit ko ay isang malakas na sampal ang ibinigay ko kay Josh.

“Tara na, Rachel. Tapos na ang pakay ko rito.” Tinalikuran ko sila.

“Annette, wait! Let me explain,” narinig kong sigaw ni Josh.

“Reizen, I’m hurt. Please take me to the infirmary,” narinig kong sabi ng maarteng bruha.

“Annette, sure ka ba sa gagawin mo?” nag-aalalang sabi ni Rachel. 

Nag-iimpake ako ng mga damit ko. Pansamatala ay kina Rachel muna ako makikitira. Ayokong umuwi sa amin. 

“Yes, Rachel,” sagot ko.

“Annette, paano kung sinadya lang ng babaeng yon na halikan si Reizen para makita mo.”

“Wala akong pakialam, Rachel. Ayoko muna siyang makita. Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko.”

Hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Lumapit si Rachel at niyakap ako. 

“Sige, naiintidihan ko na. Halika, tutulungan na kitang mag-impake.”

“Salamat, Rachel.”

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. 

“Annette! Please let’s talk,” pakiusap ni Josh.

“Iwan ko muna kayong dalawa, Bes. Wait na lang kita sa sala,” paalam ni Rachel.

“Wag kang aalis, Rachel. Dito ka lang.”

“Pero…”

“Okay lang, Rachel.” Si Josh.

“Wala na akong panahong makinig sa yo, Josh. Tama na yong nakita ko. Kaya pede ba, lumabas ka na sa kwarto ko?”

“Annette, hindi ko hinalikan si Joyce. Please believe me.”

“Josh, siguro mag-cool off muna tayo. Masyado akong nasaktan sa nangyari. Tama ka. Lahat ng first ko sa yo. Gaya nito. First heartache ko. Kaya pede bang iwan mo muna ako?”

Walang nagawa si Josh kundi lumabas ng kwarto. Bagsak ang balikat at tila maiiyak na rin siya. Isinara niya ang pinto ng kwarto ko.

“Bes, okay ka lang ba?” Si Rachel.

Iling at iyak lang ang isinagot ko sa kanya. 

Niyakap akong muli ni Rachel. “Tahan na, maayos din ang lahat,” alo niya.

Ang Boyfriend Kong Genius (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!