Nakaalis na sila mama at ate patungong Amerika. Kasama ko sina Tita Bea at James. Si James ang nagdrive ng sasakyan nila Tita.

"Lovely, iha, wag kang mahihiya sa amin ng Tito Nelson mo ha? Hindi ka na iba sa amin." sabi ni Tita Bea sa'kin habang nasa sasakyan.

"Opo Tita. Medyo mahiyain lang po talaga ako sa umpisa. Pero pag nagtagal na po, hindi na po." sagot ko naman.

Sa buong panahon ng biyahe namin ay hindi man lang umimik si James. Di ko tuloy maiwasang ma-conscious sa sarili ko.

Alam ko hindi ako ganun kaganda. Pero lalong hindi rin pangit. Tama lang. Morena ako at ang height ko naman ay sakto lang sa karamihan ng mga babae, 5'3". Hindi ako mapayat. Malaman pero hindi mataba. Sabi nila eh hawig ko daw si Louise delos Reyes, yung bida sa One True Love. At sa pagkakaalam ko eh wala namang problema sa itsura ko. Kaya ganon na lang ang pagtataka ko kung bakit hindi ako pinapansin ng lalakeng 'to.

Kung idedescribe ko naman si James, gwapo siya para sa'kin. Laman lang siguro ng dalawang paligo ang kaputian ng balat niya sa'kin. Matangkad siya dahil nasa 5'8" siguro ang height niya. Medyo payat pero napapansin ko naman na may laman ang biceps at triceps niya. Ang kwento ni Tita ni Tita Bea sa'kin ay maraming nagkakagusto sa kanya pero hindi daw pinapansin ni James. Yung iba daw sumuko na dahil sadyang suplado si James. Sino ba naman kasi ang hindi susuko sa taong 'to. Ni hindi ka nga niya madapuan ng tingin niya.

Nakarating na kami sa bahay nila Tita Bea. Medyo napagod ako sa biyahe kaya nagpaalam na muna ako na magpapahinga lang ako saglit.

Nadatnan ko si Nica, ng pamangkin nila tita Bea, na nakaupo sa kama ko. May hawak siyang photo album at ng makita ako ay tumakbo agad papunta sa'kin.

"Ate Lovely dali! Kanina pa kita hinihintay. May ipapakita ako sa'yo." sabi ni Nica.

"Paupuin mo muna ako.. Ano ba yung ipapakita mo?"

Agad akong naupo rin sa kama.

"Eto ate oh. May picture kayo ni Kuya James noon. Kaso sabi ni Tita two years old ka pa lang daw jan at si kuya James naman ay three pa lang."

"Eh ba't mo pinapakita sa'kin 'to? Hindi naman kami nagkikibuan ng kuya James mo noh. Suplado masyado."

"Ate mabait yang si kuya. Ang medyo iba ang ugali ay si Kuya Justin. Tignan mo na dali." pangungulit ni Nica sa'kin.

Dahil sa medyo nakukulitan na rin ako sa bata at inaantok na talaga ako, tinignan ko na rin ang litrato.

Ako nga ang batang babae na nandoon sa litrato. Katabi ko ang isang batang lalaki at nagulat ako dahil hinalikan niya ang pisngi ko dito sa litrato. Hindi ko maalala ang mga pangyayaring ito. Siguro dahil nga sa masyado pa akong bata.

Love at HomeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!