CHAPTER TWENTY-FIVE

Maagang dinismiss ng professor ang class namin. Naisipan kong isurprise si Josh. Pupuntahan ko siya sa PoliSci Department. Alam ko naman ang schedule at room assignment niya. 

May mangilan-ngilan na akong nakikitang naglalabasang estudyante sa room nila. Sumilip ako sa room niya. Siguro papalabas na siya. Agad kong hinanap si Josh. Nagulat ako nang may isang matangkad, maputi, maikli ang buhok, matangos ang ilong, at tsinitang babae na nakahawak sa braso ni Josh at tila may ibinubulong pa. Kitang-kita ko na nakatingin sa akin ang babae at nang-aasar ang ngiti.

“Josh!” tawag ko.

Nagulat si Josh pero napangiti nang husto nang makita ako at agad kumawala sa babaeng linta. Lumapit siya sa akin. 

“Love!” sabay yakap sa akin.  

“Surprised?” nakangiti kong tanong.

“Of couse! Ngayon mo lang ako sinundo dito e,” natatawa niyang sabi.

“A, Reizen…” narinig kong malambing na tawag ng babaeng linta.

“Joyce, this is my lovely girlfriend, Annette. Annette, this is Joyce. Anak siya ng president ng university, classmate and partner ko sa reports, saka tutulong sa make-up subjects ko,” sabi ni Josh.

Isang mapang-akit na ngiti ang iginanti ni Joyce kay Josh saka tumingin sa akin at inilahad ang kamay.

“Nice meeting you, Annette,” sabi niya.

Inabot ko ang kanyang kamay pero dumulas lang ang kanyang palad sa palad ko. 

“Come on, Love!” yaya ni Josh sabay lingon sa babaeng linta. “We’re going, Joyce. See you tomorrow. Bye!” masiglang sabi ni Josh. Wala siyang kamalay-malay sa ikinikilos ng babaeng iyon.

“See you, Reizen!” maarteng sagot nito.

Lumipas ang isang linggo na hindi ko namamalayan. Naging masyadong busy si Josh sa make-up classes niya at pagpapractice. Gabi na siya umuuwi at hindi na kami nagkakasabay kumain ng breakfast. Paggising ko kasi ay wala na siya.

May nabasa akong note na nakalagay sa fridge.

Good morning Love!

I have to go early. Some make-up classes to do. Eat your breakfast before leaving. See you after classes.

Josh

Nagtext agad ako kay Josh.

To Mr. Genius:

Hi! Thanks sa breakfast. Hope you’re okay. I love you, Josh!

Maya-maya ay nagtext-back siya.

From Mr. Genius: 

Okay. Loveyou!

Ang ikli naman ng sagot niya. Very busy naman siya. Di bale, tatawagan ko na lang siya mamaya pagdating sa university.

After thirty minutes ay nasa university na ako. Hindi pa nagsisimula ang class ko kaya may time pa para tawagan ko si Josh.

The number you have dialed is out of coverage area.

Ha? Paanong nangyari yon? Ang lakas kaya ng signal dito. Nasaan kaya si Josh?

“Annette! Time na. Let’s go!” yaya ni Rachel.

“Sige,” malungkot kong sagot. Mamayang lunch break ko na lang ulit siya tatawagan.

Hindi ko pa rin na-contact si Josh noong lunch break. Hindi ko na rin siya nakita kaya umuwi na lang akong mag-isa. Dinatnan kong nakabukas na ang ilaw sa sala pati na ang kwarto niya. Dumiretso ako doon upang silipin siya. Nakadapa siya at natutulog. Parang pagod na pagod. Kawawa naman siya.

Nilapitan ko siya at hinaplos ang buhok niya. Bahagya siyang kumilos at nagulat ako nang tumihaya siya. Nakangiti siya at tila nananginip. Naupo ako sa gilid ng kama niya.

“Josh…” bulong ko.

“Annette, I love you!” sabi niya.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Kinumutan ko siya at hinalikan sa pisngi. Bigla na lang niya akong hinaltak at niyakap. 

“Stay with me, Annette. I miss you,” sabi niya pero nakapikit.

“J-Josh, are you awake?” alanganin kong tanong.

Hindi siya sumagot. Tulog nga yata. Maingat kong inangat ang mga bisig niya na nakayakap sa akin. Nakawala naman ako sa pagkakayakap sa kanya. 

“Goodnight, Josh...” 

Ang Boyfriend Kong Genius (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!