CHAPTER TWENTY-FOUR

Makalipas ang isang buwan ay nagbalik-university si Josh. Mabilis siyang nakarecover. Excited na ulit siyang pumasok. Marami-rami rin siyang ime-make-up class. Hindi namin inaasahan ang aming maaabutan sa gate ng university.

 “Welcome back, Reizen! We miss you, Captain! We love you, Mr. Genius!”

Nakasulat yon sa isang banner at maraming estudyanteng nag-aabang sa kanya sa gate. Halos hindi makadaan ang kotseng minamaneho niya. 

Bumaba kami sa kotse at sinugod siya ng kanyang teammates. Niyakap nila si Josh, ginulo ang buhok, at saka sinuutan ng personalized cap na may pangalan niya.

Nasiksik ako ng mga estudyanteng nagmamadaling makalapit sa kanya. Wala akong nagawa kundi lumayo sa maraming tao. Naramdaman kong may humila sa braso ko. Si Rachel.

“Rachel?” Ako.

“Hoy, friend! Halika nga dito.”

Dinala niya ako sa di kalayuan na walang nagkakagulong estudyante. Natatanaw ko pa rin si Josh, busy sa mga fans niya.

“Annette, ano ba? Naririnig mo ba ako?”

“Ha? Ano yon, Rachel?”

“Sinasabi ko na nga ba e, di ako pinapakinggan ng friend ko,” naiinis na sabi ni Rachel.

“Pasensya na, Rachel. Di ko kasi pedeng iwan si Josh,”  sabay takbo sa kinaroroonan ni Josh.

“Annette! Bumalik ka rito!” narinig kong sigaw ni Rachel.

Pero hindi ako sumunod sa kanya. Nakisiksik ako sa maraming estudyante at pilit kong pinuntahan si Josh. Nang malapit na ako sa kanya ay may grupo ng mga babae na binangga ako at inirapan.

Aba! Talaga naman.

“Love!” narinig kong tawag ni Josh.

“Josh, tara na. Mukhang di ka titigilan ng mga fans mo,” naiinis kong sabi.

“Mr. Reyes, our dean wants to see you in his office,” sabi ni Prof. Alano na nandoon din pala.

“Yes, Sir. Right away,” sagot niya. "Love, come with me,” anyaya pa niya sa akin.

Ang Boyfriend Kong Genius (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!