For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

18 - normal na asaran

309 19 4

dedicated kay AgelMistalCampang...hehehe..welcome sa wattpad.basa-basa din....mlapit na rin pala siila mag-anniversary ni MhaeVillas ...hehehe...kayo na sweetie couple... hehehe...... ^_____^

---------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 18 - NORMAL NA ASARAN

ROSE'S POV

Haist...masarap sana manuod ng laban ng karate eh, kasoh di ako maka-concentrate, pano si Renz hanggang ngayon di pa bumabalik. Sabi niya mag-ccr lang daw siya pero hanggang ngayon wala parin siya haist di ko maiwasang mag-aalala. Wala naman sigurong mangyayaring masama don noh, wala pa naman siyang masyadong kakilala dito, mamaya mapano yun. Halah, bigla kong naalala na Dragnet City toh, baka....baka...haist wag naman sana, wala naman sigurong mantitrip sa kanya. Haist, sana wala, di pa naman nakikipag-away yun si Renz haist sana di siya mapagtripan ng mga bwisit na schoolmate na mukang away ang hanap.

"hoy asar!" bigla naman akong nagulat sa tumapik sa balikat ko na nasa harap ko lang pala.

"oh, problema mo? bakit andito ka, referee ka diba? tapos kung san san ka napupunta"

"eh, pake mo ba hah? tsaka break time na kasi, di pwedeng kumain muna? tara kain na tayo" sabi ni Chad sakin sabay hawak sa braso ko para itayo ako sa pagkakaupo ko.

"wait, wait lang, kumain na kami ni Renz eh"

"hah? ano?! kumain na kayo ng bwisit na yon?! anong klaseng ano ka ah, alam mo namang sabay-sabay tayong kumakain diba!! anong karapatang mong maunang kumain?! asar ka?!"     anu daw?? anong klaseng ano  daw ako, ano naman yung ano na yun? hmmm...ah, diba dapat anong klaseng girlfriend ako, bakit ano sinabi niya? bakit di gf? teka lang, di pa ko tinatawag na gf ni Chad eversince ah, samantalang sila Lily natatawag naman niya,tsk..bigla akong nakaramdam ng tampo.

"anong ano ka dyan, anong klase ano ko?? ..sabihin mo nga kung ano mo ako?" sabi ko sa kanya sabay tapik tapik sa braso niya.

"hah? anong pinagsasabi mo dyan? anong sasabihin ko? tumigil ka" sabi niya na inaalis alis yung kamay ko sa pagkakatapik sa kanya

"wueh..di daw niya alam? sabihin mo kung anong klase ako..anong klaseng girlfriend dapat diba...sabihin mo na bilis ^____^" sabi ko na medyo palambing

"tsk...bwisit, kung di ka sasabay kumain, edi wag magsama kayo ng bwisit na lalaki na yun, di marunong maghintay asar, dun ka bilis, lumayo ka sakin" haist...ayan na naman siya sa layo-layo niya, syempre di ako matitinag, tinatapik-tapik ko parin yung braso niya na parang himas na at siya naman todo alis parin ng kamay ko.

Nawala bigla yung takot at kaba na naramdaman ko kanina kay chad nung nagkita sila ni Renz, di naman kasi ako basta-basta nakakaramdam ng takot pagdating kay Chad kaya nga ako lang nakakaasaran niyan eh, pero kanina talaga...pero parang ok na naman ang lahat, baka namali lang ako ng naramdaman, wala lang siguro yun, buti naman...hehehe

"ehh...sabihin mo muna na girlfriend mo ko, bilis bilis ^___^" pang-aasar ko pa rin sa kanya

"tsk..lumayo-layo ka nga sakin, isa!" halata mong parang asar na siya, hehehe ang cute talaga maasar ni Chad, hehehe..nag-eenjoy ako

"eh sabihin mo muna kasi, sige na ^__^" pang kukulit ko sa kanya

Patuloy lang ako sa pang-aasar sa kanya, siya naman todo layo at tanggal ng kamay ko, di ko na nga alam kung sang parte na kami ng gym nakapunta basta tuloy lang ako sa pang-aasar sa kanya at habang todo tawa ako sa reaksyon niya, pano nga kasi ang cute nga niya diba. Ang totoo niyan, di naman bigdeal para sakin kung ayaw niya kong tawaging gf kasi di ko din nman siya tinatawag na King eh, pero ngayon todo pilit ako, wala lang para asarin lang siya hehehe..ang cute niya kasi promise.

GirlfriendS.Basahin ang storyang ito ng LIBRE!