Happy 30k reads! :) Thank you sa inyong lahat, sa mga nag-aadd ng stories ko sa library nila, sa mga laging nag-vovote, sa mga nag-cocomment, alam niyo naman kung sino kayo, hindi ko na kayo iisa-isahin pa diba? Basta thank you sa inyo, <33 Love ko kayong lahat! ;) Enjoy reading! Hindi na ako maglalagay ng Vote, Comment, Be a fan, lam niyo na yun eh. Paulit ulit lang ako, nakakapagod din. Tapos hindi niyo man lang ginawa un. :(((((( Hahaha andrama ko! XD 

YUNG NEXT CHAPTER (CHAPTER 57) AY PRIVATE. POV LANG YUN NI DJ. MUST READ IYON. NAPAKADAMING KILIG MOMENTS DOON! PROMISE (: PANO MAKITA? PAG FAN KO LANG. >:)

----------------------------------------------------------------------

DANIEL'S POV

Papasok na sana ako sa kwarto nung may nabunggo akong poste. Este, tao.

"Aray naman! Putek hindi ka ba nakatingin sa dinadaanan mo?!" Isa lang naman ang babaeng kilala ko bilang mareklamo, madaldal. Si Zharm.

"Sorry na! Nagmamadali ako eh!" Nahawakan ko na ang door knob nung hinawakan niya ang braso ko.

"Si Kath nasan?"

Amputek, si Kath nga pala. Nasan ba yun?! "Ewan ko. Tara hanapin natin!" Tapos hinila ko na siya at nagmamadaling lumabas. 

Paglabas namin, nakita ko na kagad si Kath na nakaupo sa buhangin kasama si... 

"Si Enrique ba yun?" Sabi ni Zharm sabay turo dun sa katabi ni Kath.

Obvious ba? Tsk. Tarantado talaga yang si Enrique. "Oo." 

Naglalakad na ako papunta sa kanilang dalawa pero napatigil nanaman ako. "Wag mo ng puntahan, hayaan mo munang ilabas ni Kath ang galit niya sayo kasi iniwan mo siya." Seryosong sabi ni Zharm. 

"Si Kath kapag nagagalit, matagal mo pa bago makausap kasi isi-sink muna niya ang mga salitang sinabi mo bago niya magets yun at kapag yun nagets na niya, hindi ka na niya papansinin. May pagka-slow kasi yang babaeng yan eh. Kaya kapag bagong away mo lang dyan, example 5 seconds palang kayo nag-away, mag sorry ka na habang hindi pa niya magets yun. At huwag na huwag mo yan iiwan sa ere, talagang masasaktan yan," Pinagmamasdan ko si Zharm, nakatingin lang siya kina Kath at nakangiti. Fake smile. "At kapag nasaktan yan, boom! Isang kawalan yun." 

Dapat pala.. hindi ko sinigawan at iniwan si Kath.. ganun pala siya magalit.. Haish! 

--------

KATHRYN'S POV

We Found Love (KathNiel)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!