Hello guys! Sorry for the long wait. ENjoy. LQ pic.

Pagkamulat ng mga mata ni Eiji kaninang umaga, matipid syang ngumiti at nasambit,

“This is it. This is really is it.”

Inihagis nya sa kaliwa ang kanyang kumot at dali-daling nanalamin, sinusuri ang mukha kung may nabawasan ba o may nadagdag nang maremedyuhan bago pa man dumating ang prom. Wala naman syang napansing “major major” na pagbabago kaya kinumbinsi nya ang sarili na bumaba para makapag-almusal.

Pagpunta ng dining room, si Manang Inday na lang ang naabutan ni Eiji, nagliligpit ng pinagkainan ng magulang. Naupo si Eiji sa paborito nyang pwesto pag kumakain sabay bati kay Manang Inday ng “good morning”.

“Good Morning din dung!” sagot nito habang naglalakad pabalik dala ang pagkain ni Eiji.

“Ay dung may noot (note) na inewan sila ma’am.” Tinuro ni Manang Inday ang nakatiklop na papel na dinaganan ng isang mansanas. Kinuha ito ni Eiji at binasa.

“Eiji anak sorry kung hindi ka na namin nahintay ha? We need to go to Batangas. You know how it is. Enjoy sa Prom ha!? Check out your closet. I have something for you there. Meron din daw nilagay si Papa mo dun. Ingat ka. Tweet mo sakin mga happenings nak ha!? Bye. XoXo.”

“Anong nakalagay dung? Dili ko baya yan nibasa.”

“Good Morning daw sabi nila.” Nangiti si Eiji sa sinabi nya.

Seriously si Mama umi-XoXo na!? Bumabagets!?

Matapos syang mabusog sa kinakain nya, umakyat siya papuntang kwarto. Curious sa kung anong surpresa ang makikita sa closet, agad-agad nya itong binuksan.

“Pusang galgasan!!!” napasigaw si Eiji sabay natumba sa sahig nang makita nyang may nakasabit na manikang kahawig ni Chucky.

“Langyuh tong si Papa oh!? Lakas trip!” lumakad sya palapit sa closet habang hawak-hawak ang pwetan.

“At sa leeg pa nya itinali!?” hinila ni Eiji ang manika na hindi nya sigurado kung sa kanya nga ba. Wala syang matandaang may laruan syang serial killer. Naisip nya baka kay Manang Inday iyon. Inilapag nya iyon sa sa sahig at pinagmasdan ang nakasabit na kulay puting suit.

“Wow!” nanlaki ang mata ni Eiji sabay hipo sa manggas nito. Malambot at mukhang bago. Pilit tinatanggal ni Eiji sa pagkakahanger ang white suit nang kinalaunan nya lang napagtantong maliit nga pala sya at mataas ang closet.

“Of course. Kaya nga pala may bangko dito sa paanan ng closet. How can I forget?” inusog ni Eiji ang bangkong yun at tinuntungan kaya nakuha ang suit ng walang kahirap-hirap.

“Wow!” banggit na naman nya nang matanggal na sa pagkakahanger at dumiretsong salaminan para pagmasdan. Ilang saglit lang suot nya na ito at iminodelo.

“Ang gondo! Perfect sya sa black na polo ko!” kinuha nya ang polo at tinignan sa salamin kung tama nga ba ang theory nya. Naghubad sya ng pangtaas tsaka sinuot ang polo at ibinalik ang suit.

“Wow!” pangatlong beses nya ng sinabi. “Ang gondo…” ibinalik nya sa pagkakahanger ang suot. “Pero kailangan ko munang maligo. Baka mag-amoy daing ako mamaya.”

Dumiretso ng banyo si Eiji nang makapaglinis. Mas matagal sya sa loob kumpara ng mga nakaraang ligo nya. Siguro’y nakaidlip sa maligamgam na tubig ng bath tub habang nagpapatugtog ng laidback Mariah playlist. Pagkatapos ng ilang oras, lumabas na rin si Eiji at nagbihis. Hiningi nya ang tulong ni Manang Inday sa pagpaplantsa ng polo, sa paglalagay ng gel sa kanyang buhok, at sa kanyang propesyonal na opinion sa kanyang last rehearsal para sa coutillion bago bumaba ng kwarto.

Ang Multo sa Manhole - Under revisionBasahin ang storyang ito ng LIBRE!