Chapter 11

984 39 4

11. Erik Prank Ismael

Namamawis ang mga kamay ko. Mainit pero nilalamig ako. Hindi ako mapakali at kanina pa nagpapalakad lakad dito.

Pagkatext na pagtext ko sakanya pumunta na agad ako dito sa tambayan namin. Kahit hindi ako sigurado kung babasahin ba nya yung text ko o kung mabasa man nya hindi ko alam kung pupunta sya.

Tiningnan ko ang oras. Alasais na. Lumulubog na ang araw. Nakatayo lang ako habang pinagmamasdan ang napakagandang sunset habang nakalagay sa bulsa ang pareho kong kamay.

Pumikit ako.

At saka ako muling dumilat. Kumuha ako ng bwelo

"KEILA MONRAE GRACIA! MAHAL KITA! MAHAL NA MAHAL KITA!", saglit akong tumigil. Natatawa ko sa sarili ko ngayon. Nasisiraan na ko ng ulo. May nag-uumpisang mamuo sa mga mata ko "KEILA! MAHAL NA MAHAL KITA! NARIRINIG MO BA KO??! MAHAL..", napalunok ako. Parang nanunuyot ang lalamunan ko. Napaupo ako sa damuhan "Mahal na mahal kita", kasabay ng pagbulong ko sa mga salitang yun ang pagbagsak ng luha sa mata ko.

Itong nararamdamn ko? Mas masakit pa pala sa inaakala ko.

Halos tatlong taon ko sya kinakapitan pero wala. Akala ko pa pinsan ko ang makakakuha sakanya. Torpe ba ang tawag sakin? Natatakot lang naman akong iwasan nya,natatakot akong mareject nya.

Natatakot akong mawala sya. 

"EPI!", napadilat ako. Natulala ako. Pinahid ko ang natirang luha sa mata ko. Sino bang may sabing bawal umiyak ang lalaki! Sinong may sabing nakakabakla! Nasasaktan din naman kami.

Dahan dahan akong napalingon sa likod ko.

"Kanina ka pa?", lumapit sa sakin ng nakangiti. "Sorry,may pinuntahan pa kasi kami", napatingin ako sa lalaking nakasunod sa kanya. Tinitigan ko sya at ganun rin naman ang ginawa nya.

Pumunta nga sya,pero may kasama.

Yung lugar na kaming dalawa lang lagi ang laman. Yung lugar kung saan nagsimula ang lahat. Yung lugar na wala akong balak ipatapak sa ibang babae maliban kay Keila at yung lugar kung saan ko binubuo ang mga imposibleng pangarap pag naging akin na sya.. yung mga pangarap naming dalawa na kahit dumating sa puntong 'to. Wala pa ring mang-iiwan. Walang makakalimot.

Ibinalik ko kay Keila ang tingin ko.

"Bakit may kasama ka?", tanong ko. Rude ba? Ayokong magpakaplastik sa taong ayoko talaga.Sumulyap sya sa lalaking kasama nya at malawak naman na ngumiti sa akin. 

Napako ang mata ko ng hawakan nya ang kamay ng lalaking yun at magkasabay silang lumapit sa akin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo.

"Ah Sheen,si Erik..", hindi ako nakahinga. Ayokong marinig ang sunod na sasabihin nya "Bestfriend ko", napaiwas ako ng tingin at napangiti ng mapakla "At EPI,si Sheen..", huminto sya. Napalingon na naman ako at nakita ko silang nakangiti sa isa't isa.

"Boyfriend ko",

Dahil sa gulat. Namilog ang mata ko at napanganga nalang. Tama ba ang narinig ko? O nabingi lang ako at kung ano-ano na ang naririnig ko.

"Boy-Friend?!", nangangatal ang boses ko. Nanginginig ang binti ko.Para kong binuhusan ng nagyeyelong tubig sa ginawa nya. Tumango sya at nginitian na naman ako. Tumingala ako dahil pakiramdam ko mauubusan ako ng hangin. "Keila,hindi ba masyadong maaga?", halos hindi ko na alam kung pano ko ikukumpas yung kamay ko para ipaintindi sakanya ang mga nangyayari.

"Keila,di..diba halos magd-dalawang linggo palang kayong magkakilala?", sabi ko. Nagkibit-balikat lang sya. "I mean, nasa getting to know each other stage palang kayo", wala na kong pakialam kung marinig ng Sheen na yun ang mga sinasabi ko.

Hinarap nya ako.

"Keila look! Hindi mo kailangang madaliin yung mga gantong bagay", hinawakan ko sya sa magkabilang braso at halos pabulong ko na syang kinakausap. Kahit na ang gusto na talagang sabihin sakanya. 'Keila! Keila.. nandito ko,heto ko sa harap mo. Ako lang. Sakin ka lang'

Alam kong wala akong karapatan.

"Oo nga,pero hindi naman importante yun. Hindi importante kung matagal na kayong magkakilala o hindi. As long as sigurado ka sa nararamdaman mo sakanya",

Nabitawan ko ang braso nya. Napayuko ako

"O-Okay! Ta.. tama nga naman", hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung pano kikilos sa harap nya. "Kaysa nga naman sa matagal mo ng kakilala,pero hindi mo naman mahal. Ha-ha! Tama! Tama yun Kei", bahagya akong napatalikod. Parang pinipiga yung puso ko.Sakit naman magmahal punyeta.

"Ano nga pala yung sasabihin mo?", napayuko ako.. Gusto kong ipagsigawan sakanya. Gusto kong magalit. Gusto ko syang pagalitan. O kaya kahit magtampo nalang.

Mahal kita! Putangina manhid mo naman!

"Huy?", Mahal kita! Tangina naman! Ikinuyom ko ang palad ko "HOY!--",

"MAHAL--", mabilis kong naitikom ang bibig ko. Hindi. Hindi ako pwedeng magpadala sa emosyon ngayon. Hindi pa ngayon. "Mahal na ang bigas ngayon,kaya umuwi na tayo baka maglamig yung sinaing ng mama mo",

Mabilis akong naglakad palayo sa kanila.

Kahihiyan! Ano ba yung sinabi ko? Bakit lumabas sa bibig ko yun!!

Sinipa ko ang basurahan na nadaanan ko. Inis ka na nga. Napahiya ka pa. Dali dali kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan sya.

"Hello Cyrus? Nasan ka?", naghintay ako ng sagot nya sa kabilang linya. Nailayo ko pa ang cellphone sa tenga ko ng may tumahol na aso. Napailing nalang ako.

Nakauwi na 'to at aso naman nya ang nilalandi nya ngayon.

(Hello--arf! Cutie! Behave!) Nandiri ako sa narinig ko. Kalalaking tao! Ang pangalan ng aso, Cutie?! Fvck! Gay!

"Hoy ano ba?! Sasagot ka ba o babakla ka nalang dyan",
( Pakyu! Bakit ba? Nakauwi na ko!)

"Magkita tayo. Susuntukin lang kita",

(Makikipagkita ako sayo para lang makipagsiraan ng mukha? Tangina! Mag-isa ka--arf!)

"Sila na", napabuntong hininga ko.

(OH?!! Teka! Magkita tayo! Bubugbugin kita!)


ⓒMiyenngg

Wake Me UpBasahin ang storyang ito ng LIBRE!