For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

A Man's Dream - Chapter 17

81 2 0

Chapter 17

Lalong bumigat ang loob ni Sab kay Jamir. Di nito matanggap na nagawa padin nitong makabawi sa kanya kahapon.

"Wala sa vocabulary ko ang sumuko, lalo na ang magpatalo. May araw din yang Jamir na yan, makikita niya."

2nd day of the class chance to meet the subject teachers and election of officers per subject.

"Good Morning class."

"Good Morning Ms. Delos Reyes."

"Since 2nd day na natin I hope you knew each other that well na, kung sabagay si Jamir lang naman ang bago sa inyo." bungad nito.

"Now let's have your classroom officers and those who'll be elected will also be the Physics Officers."

Lumapit na ang guro sa harap ng board para i-facilitate ang election of officers.

"The table is now open for the nomination of your Class Mayor, any nomination?"

"I respectfully nominate Sab to be our Class Mayor." bungad ni sharn.

Si Angelo naman ang humirit.

"I respectfully nominate Jamir Assuncion to be our Class Mayor."

Nabigla si Jamir at napatingin sa direksiyon ni Sab. Wala namang reaksiyon ang dalaga.

"Loko ka Angelo bakit ako ang ninominate mo?" tanong nito.

"Huwag kang mag-alala kung matalo ka man inonominate ulit kita bilang vice." sabay tawa nito.

Di na pumalag si Jamir tutal naman alam niyang malakas si Sab kaya sure siyang di siya ang mananalo.

"I move that the nomination for Mayor be closed." hirit ng classmate nila.

"My second demotion." sagot ng buong klase.

"Okay, before we start may I request Sabrina and Jamir to go here in front." anyaya ng guro nila.

"State your plans if ever you'll be elected as the Mayor of your class." hamon pa nito.

"Let's start with you Sabrina."

"Being the SSG president di naman na bago sa akin to. Sa totoo lang di na ko dapat ma-elect to be the class mayor but i would like to be the president of our physics class if given a chance and I'll waive my mayorship."

"Thank you Sab. How about you Jamir?" tanong ng adviser nila.

"Honestly I was surprised kasi may nagnominate sa akin knowing that I'm just new here. Di ko hinahangad na manalo as your Class Mayor or to be elected in any position. If given a chance na manalo i'll prove to you na di masasayang ang boto niyo."

"Very well said Sab and Jamir. Now nasa kamay niyo na ang kapalaran ng dalawa."

Humarap na sa board ang adviser nila para isulat ang magiging resulta ng botohan.

wala lang kay Jamir ang magaganap na botohan, unang una di talaga siya naghahangad ng kahit anong posisyon at pangalawa ay bago nga lamang siya kaya di siya nag-eexpect ng kahit ano.

Si Sab naman ay kampanteng kampante na mananalong muli. Unang una siya lagi ang kanilang Class Mayor at pangalawa transferee ang kalaban niya kaya ganun kataas ang kumpiyansa niya na siya muli ang mananalo.

"Simulan natin kay Jamir. Who's in favor for Jamir to be your Class Mayor?"

Hindi inaasahan ni Sab at Jamir ang naging resulta ng botohan.

"Jamir got 40 votes and since 50 lang kayo sa section niyo i guess we have now our Class Mayor." pagpapatibay ng guro nila.

Hindi maipinta ang mukha ni Jamir sa gulat, pero mas lalong di maipinta ang mukha ng nakalaban niya. For 3 consecutive years siya ang naging Class Mayor ng klase nila kaya di niya inaasahan ang naging resulta.

"Congrats tol." bati ni Angelo kay Jamir.

Kinamayan niya naman ito pero halata parin ang kakaibang expression ng mukha nito.

"Tol anong problema?"

"Wala tol, para lang kasing di natanggap ni Sab ang nangyari."

"Naku Jamir don't mind Sab, Nasanay lang siguro siya na lagi siyang Class Mayor."

"Bakit? since 1st year ba ninyo siya na Class Mayor?"

"Tumpak! kaya di mo siya masisisi if she felt that way. Hmm huwag na nga nating pag-usapan si Sab. Libre mo nalang ako sa canteen tol. Let's celebrate." anyaya ni Angelo.

"Naku nanalo lang kailangan ng manlibre? sige libre kita ng softdrinks ikaw bahala sa pambara." tugon nito.

"Lugi ata ako dun tol ah, mas mahal pambara kesa sa panulak. Pero sige ayos na yun." nakangiting sagot nito.

Dumiretso na nga ang dalawa sa School Canteen.

"Sab what's wrong? sayang yong inorder mo oh di mo pa ginagalaw."

"Sharn for 3 years ako Class Mayor ng klase and now? May mali ba kong nagawa?"

"Sab you did nothing wrong. Maybe they thought na SSG President ka na kaya you don't need that position." pagpapaliwanag ng bestfriend nito.

"Di ko hinahabol yung Mayorship, yung President ng Physics sana." malungkot na tugon nito.

"Hayaan mo na yun Sab. Give chance to others ika nga nila." nakangiting sagot nito.

Naka order na sila Jamir at Angelo ng makakain nila kaya naghahanap na sila ng mauupuan. Napansin ito ni Sharn at mukhang nakita din sya.

"Hi Sharn." bati ni Angelo.

Nginitian naman sila ng dalaga.

Binati din nito si Sab at tumango naman.

"Uy pwede ba kaming umupo ni Jamir dito Sharn and Sab? wala na kasing empty table eh." tanong ni Angelo.

"Sige okay lang sakin, okay lang ba Sab?"

Tumango lang ito bilang pag sang-ayon.

"Congrats nga pala Jamir. Grabe ang lakas mo, ikaw lang ang nakatalo kay Sab." nangingiting sabi nito.

Tinignan muna ni Jamir ang reaksiyon ni Sab bago siya tumugon sa sinabi ni Sharn.

Wala namang reaksiyon ang dalaga at nanatiling tahimik ito.

"Di ko naman ine-expect na inonominate ako ni Angelo at mas lalong di ko ine-expect ang result ng botohan."

"Ako nga din nagulat kasi trip ko lang inominate si Jamir." natatawang singit ni Angelo.

"Ah ganun trip lang pala yun! Hindi yata magandang pinagtri-tripan ang mga bagay na tulad nito. This is a serious matter kaya di dapat pinagtri-tripan!"

Nagulat ang tatlo sa reaksiyon ni Sab.

"Besz easy lang."

"Sharn pano ka magiging easy kung malalaman mong trip lang pala yong bagay na sineseryoso mo?"

"Teka lang Sab, sobra mo naman yatang dinibdib yung result ng botohan?"

"Di ko dinibdib ang naging result. Our classmate chose you and I respect that. Ang di ko lang matanggap eh ang marinig na trip lang ang lahat." medyo inis na sabi nito.

"Yun naman pala eh tanggap mo naman pala ang naging result." tugon ni Jamir na may halong pagkairita.

"Uy guys kalma lang." awat ni Sharn.

"Oo nga, tignan niyo oh nakatingin sila sa atin." dugtong ni Angelo.

Natigilan ang dalawa sa pag-awat sa kanila. Napansin nga nila na sila na ang pinagtitinginan ng mga nasa canteen.

"Sharn let's go." aya ni Sab.

"Guys we have to go. Bye!" paalam ni Sharn.

Naiwang naka upo ang dalawang binata. Napaisip tuloy ito sa reaksiyon ni Sab.

"Eh ano naman kung trip lang yun ni Angelo? bitter lang ata yun kasi di nanalo. I'll prove to her na kahit trip lang yun I'm competent and deserving sa pwesto ko." bulong nya sa sarili.

A Man's DreamBasahin ang storyang ito ng LIBRE!