Chapter 4

24 2 0

Chapter 4

Tarra's POV

[ After 5 months ]

Naka graduate na ko. 

Naaalala ko pa itsura ni Tomas nung graduation, mukhang nanghihinayang ito na di nya ko niligawan, haha natatawa nalang ako pag naaalala ko sya. Ang kulit kulit nya. hahaha. 

Si Mariz naman nagsabi na wag ko daw sya kakalimutan. At yung iba naming kaklase palagi ko daw sila babalitaan.

Kahit 5 months lang kami naging close, napamahal na rin sila sakin. Mababait kasi sila at masayahin. Lagi akong masaya pag kasama sila. 

2 days na ko dito sa Manila, at 2 days din akong sinasamahan ni mommy para makapag adjust daw ako dito. 

Mamayang hapon uuwi si mommy sa Ilocos at maiiwan na kong magisa dito sa unit. 

Sana kayanin ko magisa. Ginusto ko to eh, dapat panindigan ko. 

Sobrang daming binilin ni mommy bago sya umalis.

Wag daw ako magpapapasok ng hindi kakilala,

bago ko daw buksan ang pinto silipin ko daw muna sa door peephole,

magsasabi daw ako sa guard ng mga kilala ko personally para may approval kung pwede ako bisitahin,

minsan daw dalawin ko si kuya Ciro dahil busy daw ito baka di ako mapuntahan palagi,

magaaral daw ako ng mabuti college na daw kasi ako,

kakain daw ako on time,

tawag lang daw ako sa kanila ni daddy pag may kailangan.

Aah. basta di ko na maalala yung iba nyang sinabi. Ang dami kasi (-.-)

Pagkauwi ni mommy, nagpunta ako sa matagal ko nang gustung gustong puntahan. Inantay ko lang na makauwi sya. 

Mabuti nalang alam ko pang puntahan 'yun. Nag taxi nalang ako. Wala pa kasi akong kotse. 

Pagdating ko, agad kong hinanap 'yung lapida ni mommy at daddy. 

Di naman ako nabigo, nakita ko agad. Nagtirik ako ng kandila at inalis 'yung mga ilang dahon na naka kalat sa paligid ng lapida. 

"Mommy, Daddy. Miss na miss ko na po kayo." agad tumulo ang mga luha nya. Siguro kung artista lang sya ay mananalo sya ng best actress. 

"Di ko pa rin po nakakalimutan 'yung promise ko sa inyo." singhot singhot, pahid luha, iyak. Paulit ulit lang. 

"Nag aantay lang po ako ng tamang pagkakataon." same routine, singhot, pahid luha, iyak. 

"Ngayon nandito na po ko sa Maynila, madali na. Makakapaghiganti na rin ako sa gumawa nyan sa inyo. Promise ko yan." 

"Miss na miss ko na po kayo." iyak na sya nang iyak. 

Bumalik ang mapait na alaala. Lalo tuloy syang naiyak. 

----

Isang linggo pa bago ang pasukan. Kaya naman araw araw nyang binibisita ang puntod ng mga magulang nya.

Namiss nya kasi ito ng sobra. Ngayong may pagkakataon na syang bisitahin kahit puntod manlamang, ay sinulit na nya. 

Nagkukuwento sya sa mga ito, at dun na rin sya kumakain ng lunch. Nagdadala nalang sya ng pagkain. 

Isang araw, may nakita syang lalaki sa di kalayuang puntod. May binibisita rin ata. 

Napatingin sya dito minsan lang kasi sya makakita ng ibang tao sa Memorial Park na yun. 

Love or RevengeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!