Heaven 13 Picture of you

Heaven’s POV

Natutulog padin siya ilang oras niya kayang gustong matulog dito? Mag gagabi na.

“Oi gising na” tinapik ko siya sa balikat.

“inaantok pa ako” nakapikit na tugon niya.

“hindi ka pa ba uuwi? Mag gagabi na”

“Hala O___O. Di nga? Patay ako nito. Sige uuwi na ako” paalam niya sa akin

“May problema ka ba? Parang wala ka sa sarili” usually naka smile siya lage ngayon ang tamlay niya.

“ku~kwento ko sayo next time. Uuwi na muna ako” at naglakad na siya palayo.

May problema talaga yun. Umiiling iling ako.

“bakit parang wala sa sarili yun?” pasulpot sulpot to si Helga.

“Di ko nga din alam.”

“di ka pa uuwi?” tanong ni Helga sa akin

“mamaya na. Sundan ko muna yun” sinundan ko muna siya. Di pa siya nakakalayo. Umiiyak siya. Sinuot ko sa kanya yung cap ko. “Pwede ka namang mag kwento sa akin”

“Naguguluhan kasi ako. Di ko alam kung ano yung dapat gawin”

‘lika kaen muna tayo tapos magkwento ka” hinawakan ko siya sa kamay at sumakay kami sa kotse ko.

Andito na kami sa may kotse. Iyak padin siya ng iyak. Ayoko na nakikita siyang ganyan.

“andito na tayo”

“teka kala ko ba kakaen tayo? Anong ginagawa natin dito?”

“Para malibang ka naman” dinala ko siya sa may park.”mag rent tayo ng bike.. Masarap mag bike dito pag gabi. Teka lang hintayin mo ko dito”

Tumango lang siya. Iniwan ko siyang nakatulala sa may bench.

“Lika na. Sakay na ^_^”

“Teka hindi ako marunong mag bike!” angal niya

“Eh di angkas ka lang”

“Sige sige ^__^”

“At last nag smile ka na”

“Huh?”

“Para ka kasing pinagsakluban ng langit at lupa kanina”

“Heheheh. Mag ku~kwento ako pag ready na ako”

“Sige sabi mo e”

Sumakay na siya sa likod ng bike. Nakayakap lang siya sa akin.

“hindi mo naman ako iiwan di ba?”

‘bakit mo natanong yan?”

“Natatakot kasi akong maiwan”

“bakit naman kita iiwan. Ikaw talaga

Nag ikot ikot kami sa may park. Tawa siya ng tawa.

‘Picture picture tayo dali” yaya niya

Heaven or Hell [Complete]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!