For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter 5: Brand New Sister

4.2K 72 2

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart

Chapter 5: Meet my sis

- Harry

"HARRY, WAIT!!" Pipihitin ko na sana ang gas pero narinig ko ang sigaw ng isang pagong.

"Ano na nama'ng kailangan mo, ha?!"

"Please! Sama ko!" Pout niya.

"Pssh. Pumasok ka na nga ng bahay! Hindi pwede. Uwi!" Binigyan ko lang siya ng go-home-look.

"Please, Harry!" "Sige ka! pag-di mo ko sinama, iiyak ako!!" Takot pa niya kaya napapoker face lang ako.

"Edi umiyak ka! Sinong tinakot mo?!"

"Sige ka, ito na! Iiyak na 'ko! Ito na talaga!" Takot pa niya habang nanggilid na ang luha. Hanggang sa umiyak nga siya. Napasigh naman ako at napairap lang.

"Bahala ka dyan! Aalis na 'ko!" Pipihitin ko na ang gas pero napatingin na lang ako nang humagulgol siya ng iyak. Napasimangot tuloy ako.

"Isusumbong kita kay Daddy!!"

"Oh talaga? Then go! Umiyak ka dyan buong araw! Aalis na 'k---Shaine! B-bumaba ka nga!! Argh! Isa!!" Nagulat na lang ako nang bigla siyang sumakay sa likod ng bigbike. Psh. Bat ba ang kulit niya ha?!

"Ayoko!!"

"Isa! Hindi ka ba bababa?! Dalawa! Shaine pag-di ka bumaba may gagawin akong di maganda sayo!"

"Harry naman please! Sama na ko! Diba kuya naman kita?! Please na, Kuya!!" Sagot lang niya kaya napairap ako.

Kuya, huh?!

- Shaine

Alam kong hindi kami ganon ka-close para sumama sa kanya pero ayokong maiwan mag-isa! Pag-umalis siya, wala na kong kasama. Umalis kasi sila Manang kasama yung driver, may multo pa naman dito si bahay!

"Harry naman please! Sama na ko! Diba kuya naman kita?! Please na, Kuya!!" Pagmamaka-awa ko habang nakahawak sa big bike sa gilid ng astig na motor niya.

Hanggang sa nainis na yata talaga siya at biglang pinihit ang gas. Napayakap tuloy ako sa kanya dahil muntik na 'kong mahulog!

Hindi ko alam pero biglang bumagal ang oras. May nararamdaman na naman akong weird katulad ng naramdaman ko kanina ng nasa simbahan kami.

Argh! Ano bang nangyayari sa'kin?!

"H-Hoy! Bumitaw ka nga!!" Sigaw niya habang nagmamaneho.

"Ehhh!! Mahuhulog ako dito!! Isa pa, wag mo ngang lagyan ng meaning!! Kuya kita no!" Sigaw ko at hinigpitan pa ang yakap sa kanya. Jusko! Ayoko pang mamatay! Hindi ko naman alam kung sinasadya niya pero bigla pa niya tinulinan ang pagmamaneho.

Sana makarating po kami sa pupuntahan namin ng ligtas, Amen!

- Harry

Makalipas ang kalahating oras, nakarating na kami sa rest house. Napakunot naman ang noo ko dahil nakakahalata na 'ko.

Ilang minuto na na kaming nakahinto, nakayakap pa rin sa'kin ang pagong na 'to!

"Hoy, Pagong! Nandito na tayo, tama na yang chansing mo." Inis na sabi ko at pinatay na ang engine ng big bike. Mukha namang natauhan na rin siya at napabitaw.

Two hearts under the same roofBasahin ang storyang ito ng LIBRE!