Chapter 17

32K 256 2

Chapter 17:

Pagkatapos nilang manood ng sine..

Nagpasya na rin silang umuwi..

At habang palabas ng sinihan..

“Hatid ko muna si Mhyles since mas malapit ang house nia then ikaw na ang isusunod ko Joy” ang sabi ni Jake..

“sure sige.. “ -joy

“ayos yung palabas da best.. kakakilig..” ang sabi ni Mhyles

“Mukhang ginabi na ata tayo masyado, kayo may pasok pa.. ako mahaba ang itutulog ko..” ang pagyayabang ni Jake..

“natuwa ka pa at pinagmalaki mo pa.. ikaw na nga tong sinuspinde..” ang sabi ni Joy

Paglabas ng mall,

“Sheettt umuulan.. wala pa naman akong payong na dala, bakit ba pabigla bigla tong ulan..” ang sabi ni Joy

“oo nga, ano ba yan paano tayo niyan sasakay sa kotse eh layo ng park mo..” ang sabi ni Mhyles

“ok just wait here..” ang sabi ni Jake, buti na lang nakajacket sia kaya hinubad nia ito at inilagay sa ulo.. at saka pumunta sa kotse..

Makalipas ang ilang minuto.. nasa harapan na nga nila ang kotse ni Jake..

Lumabas muli si Jake, and this time inalalayan nia ang dalawang babae, pinsakay na nia muna si Mhyles at pinagamit ang jacket para sa ulo nito kahit sia eh mabasa, ganun din ang ginawa nia kay Joy kaya naman basang basa na si Jake..

Pinaandar na ang sasakyan..

Papunta na sila kina Mhyles, malapit lang kasi ang mall kina mhyles kaya nakarating din sila agad..

“wag ka ng bumaba Jake, ok lang ako.. kaya ko na to, basang basa ka na rin eh.. saka itatakbo ko nlng..” ang sabi ni Mhyles

“Sure ka..?” ang sabi ni Jake..

“oo, sige ingat na lang kayo, hatid mo si Joy ng maayos ah lumalakas na ang ulan..” ang sabi muli ni Mhyles

“Good night mhyles, kita na lang tayo bukas..” ang sabi ni Joy

“papasok ka ah?? Wag kang aabsent.. hayaan mo silang magchismisan di mo naman ikamamatay yan ok? You don’t need to please them.. basta magwork ka na lang ng maayos.. see you girl! Mwah” ang sabi ni Mhyles at nakipagbeso beso kay Joy

Bumaba na rin ito..

Naiwan na nga sina Jake at Joy sa sasakyan at ihahatid na ni Jake si Joy..

S.T.U.P.I.D. (Comedy-Romance) by: Athena Adamas [COMPLETED]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!