chapter 1: Eyria

2.5K 121 25
                                    


Aba ang isang dalaga sa pag-aasikaso sa mga customer sa isang maliit na restaurant.

"Soup sabi order ko hindi sauce!" Sigaw ng isang customer sa isang restaurant na pinagtatrabahuan ng ni Eyria.

"Ay Sir! Pasensya na po. Papalitan ko na po." Agad kinuha ang platitong nilagyan ng sauce. Nagkapalit nga kasi ang order ng dalawa niyang customer. Unfortunately, may bumangga sa kanya kaya natapon ang sauce sa mukha ng customer. Kaya nagalit ang kanyang boss at ang sinigaw.....

"Miss Eyria! You're fired!" Sanay na siya sa katagang yan. Palage na niya iyang naririnig. Lalo na kapag babae ang kanyang boss.

Kaya nag-apply na naman siya sa pagiging maid, kaya lang nagkagusto sa kanya ang amo niyang lalake na ikinagalit ng malaman ng asawa nito. Kaya ang resulta "you're fired" again at may kasama pang sabunot. Di naman niya papatulan ang amo niyang lalake ah. Sa ganda niyang yon, papatol sa may asawa? Pero wala siyang magawa kundi umalis.

Nag-apply siya sa pagiging saleslady, at syempre dahil maganda ang bilis natanggap. Kaya lang kung gaano siya kabilis tanggapin ganon din siya kabilis paalisin. Siya naman kasi ang nais bilhin ng mga customer sa halip na ang mga paninda. Sa kanya din tumitingin, sa halip sa mga display. Sinubukan na rin niyang mag-apply bilang isang traffic enforcer. Dahil maganda, walang makakatanggi sa request niya at tinanggap agad siya. Kaya lang first day na first day ang daming nadisgrasya. Sa halip na sa daan titingin ang mga driver, sa kanya na.

"Having a beauty is suck." Iyan nalang ang nasambit niya.

"Mag-artista ka nalang kaya anak." Iyan naman ang palaging suhestiyon ng kanyang ina.

"Kita mo na ba ang mga artista ngayon ma. Kahit saan sila magpunta palaging may nakasunod. Gusto mo ba ng ganon? At kahit wala ka namang ginagawa ang daming nagbabash sayo. Ayaw ko ng ganon no. Maghahanap na lamang ako ng ibang part time job." Sabi niya sa ina.

Kaya kinabukasan, nag-apply siya sa isang bagong bukas na restaurant. Mabuti nalang at tumatanggap sila ng mga part time worker. Kaya lang napakasungit ng kanilang boss na kaedad lang niya at nag-aaral palang din ng HRM sa isang university.

"Wala ka bang ibang alam!" Sigaw nito sa kanya. Iyan si Lianfei, masungit, mainitin ang ulo at cold. Eighteen years old. Palage lang siya nitong napapansin at pinapagalitan.

"Para magbalat lang ng gulay di mo na alam?" Dagdag pa nito. Sa totoo lang pagbabalat lang ng sibuyas at bawang ang alam niya. Ngayon pang din siya nakakapagbalat ng sandamakmak na mga gulay. Alam niyang magbalat pero hindi kasing bilis ng lalaking to kaya ayan pinagalitan na naman siya.

"Maghugas ka na nga lang ng plato." Kaya ayun nagiging dishwasher na lamang siya.

Habang nasa kusina, nakarinig siya ng mga nabasag na mga bagay. Kaya agad siyang lumabas para makiusyoso. At nakita ang boss na may kaharap na anim na mga lalake na sa tingin niya ay mga estudyante rin sa isang university dahil sa mga school uniform nila.

"Pwede ba Carlo, wag nga kayong nanggugulo sa restaurant ko?" Cold na sabi ni Lianfei sa mga bisita.

"Ano naman ang magagawa ng pepetsugin mong restaurant kong mambabasag ako rito? Kaya ko naman bayaran kahit ikaw pa." Sinipa ni Carlo ang isang glass table na ikinatumba nito at ikinalaglag ng mga bagay na nakapatong roon. Lalo namang dumilim ang mukha ni Lianfei.

Who am I to you? (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon