"Okay Halika na dadami na ang tao mamaya."Sabi niya sa akin at naglakad na kami papuntang Registrar Office para mag-register alangan naman kumain.

Kung ano-anong aberya ang nangyari sa enrollment day na ito, May nasiraan ng Computers kaya maraming natagalan sa Office. Sobrang haba na nga ng pila tapos pinababalik pa kami after two days eh leche mas marami na ang estudyante after two days kaya nga maaga kami para hindi kami makisabay sa dagsaan tapos ganito?


Yung iba sumisingit pa sa pila na may maayos na Computers, Banas na banas kami ni Julia dahil talagang may sumisingit. Yung mga babae nga natulak kami para lang may padaanin na lalaki, Di namin napansin dahil ang daming tao pero nakakasar pa rin yung mga sumisingit at nagpapasingit ng wala namang karapatan.

"Pumila naman kayo! Hindi yung nagpapasingit kayo, Kanina pa kami dito tapos ganyan lang."sigaw nung nasa pinakalikuran at halatang nagrereklamo na. May hinimatay na nga dahil sa sobrang dami ng tao at siksikan halos magkastampede dahil dun sa singitan kanina.

"Nakakahinga ka pa?"tanong ni Julia sa akin habang tinutulak yung isang matabang babae na nasa harapan niya dahil naamoy na raw niya ang amoy nito sa kili-kili.

"Eh ikaw kamusta ka naman?"matawa-tawa kong sabi tapos nag-makeface si Julia na nadi-disgust siya. Hindi umuusad ang pila, Sobrang ingay may nag-aaway na nga rin pero nung dumating yung Disciplinary Officer ayun tumahimik sila at nag-segragate ng students para sa page-enroll. Luckily natapos din kami ni Julia kaya lang after three freakin' hours. Yes three freakin' hours.

"Tapos na din akala ko di na tayo makaka-alis ng buhay doon."pawisang sabi ni Julia at pinunasan niya ng tissue yung mukha niya pati na rin ang noo't leeg niya.

"Julia mauna na ko late na ko sa usapan namin ni Mommy dapat kaninang 1pm pa ako nandun pero tignan mo 1:30pm na! Alis na ko ah?"sabi ko sa pinsan ko at tumango naman si Julia sa akin.

"Okay lang saka ako rin eh late na rin ako sa usapan namin ni Mommy."Sabi ni Julia at nagbeso muna kami bago kami gumora sa mga lakad namin kasama ang mommies namin.

Hinatid ako ni Kuya Dennis doon sa bahay na tinutukoy ni Mommy at oo nga naalala ko itong bahay na ito. Naiisip ko rin na ang lapit lang pala nito sa school namin at sa subdivision kung saan kami nakatira.

"Chandria buti nakarating ka saka anong nangyari sa iyo at parang natuyuan ka ng pawis?"sabi ni mommy at ngumiti naman ako ang alanganin, Hindi kinaya ng aircon ang pangyayari kanina sa University kaya ganito ang nangyari sa akin. Hindi lang sa akin kungdi halos lahat ng mga nag-enroll buti na lang at nakuha ko na yung sched namin ni Julia and luckily sa pitong subject na kinuha namin apat doon ay magkasama kaming dalawa.

"Nga pala Chandria say Hi to your Tita Karla."Sabi ni Mommy ni Mommy at nanlaki ang mata ko. Oh my gosh! Si Tita Karla! Hindi lang ako nag-Hi yinakap ko pa si Tita Karla, Ang tagal din kasi naming hindi nagkita.

"Tita kailan pa po kayo nakauwi? Saka kamusta na po kayo?"sabi ko kay Tita pagka-kalas ko ng yakap, Natawa naman silang dalawa ni Mommy sa ginawa ko.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!