Chapter 2

36.1K 456 31

Past Punch

Kathryn's POV


"OUCH!"Volume 100 para halatang nasaktan talaga ako kasi napaupo ako dun.

"Cous okay ka lang?"Tanong ni Julia sa akin at itinatayo ako, Napatango naman ako sa kanya at napatingin ako sa lalaking bumangga sa akin. Magso-sorry na sana ako dahil nabangga ko siya pero lintek lang!

 

"Pahara-hara kasi sa daan o di kaya sinadya mo iyon para mapansin kita?"Sabi ng lalaking nakabangga ko, Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Oo yung pahara-hara sa daan kasalanan ko yun kasi hindi ako tumitingin pero yung sinadya kong banggain siya? Wow naman!

WOW talaga! Ang hangin niya buti di ako Tinangay, Akala mo kung sinong gwapo mukha namang kwago este Unggoy pala dahil hindi pa ata siya nage-evolve sa Human Theory. Napakagat ako ng labi ko para pigilan ko yung sarili ko pero leche nagpa-ulit ulit sa tenga ko yung sinabi niya saka naasar ako lalo sa sinabi niya.

"Ano ang gwapo ko ba't natulala ka? Tsk mga babae nga naman. Babanggain ka tapos magpapansin."wala na! Pumutok na ko, Goodbye Philippines!

"Wow just Wow! Sino ka ba para banggain ko? Dahil for your information hindi ko sasaktan ang sarili ko sa taong mukhang UNGGOY na katulad mo."Sabi ko na diniinan ang word na unggoy para maasar din siya.

"Sinasabi  mo lang ba yan para pahabain ang usapan?"Dagdag pa niya sabay smirk. Ugh! Bwisit na buhay ito. Grabe may mas malala pa ba dito? Pucha sobrang yabang niya eh.

"Grabe! Hindi ko pag-aaksayahan ng oras ang taong walang kwenta kagaya mo."Sabi ko sabay Higit kay Julia. This time ako na ang nanghigit kay Julia, Kung iyon ang gusto niyang paniwalaan edi paniwalaan niya bwisit siya.

"Cous okay ka lang namumula ka na sa galit diyaan, Chill lang."Sabi sa akin ni Julia, Hinarap ko siya dahil sa sobrang inis ko.

"Cous narinig mo malamang yung pinag-usapan namin di ba? Akala mo kung sinong Gwapo eh mukha namang UNGGOY! Sobrang yabang pa, Nakakainis siya! Sikat ba siya? Hindi halata dahil kung sikat siya hindi ko siya kilala leche siya."inis na inis na sabi ko kay Julia. Tinawanan naman ako ng loka kaya naman inirapan ko siya.

"Alam mo kanina habang pinapanood ko kayo ang CUTE niyo para kayong couple na may LQ lang."Sabi ni Julia kaya naman napanganga ako sa sinabi niya. Cute? Couple? LQ? Pucha! Tinapik ko siya sa Noo.

"Ouch! Para saan iyon?"masama ang tingin na sabi ni Julia sa akin habang hinihimas ang noo niyang tinapik ko.

"CUTE? Sigurado ka Julia? Cute? Couple? LQ? nag-aaway na nga kami CUTE pa kami? Galing noh? May ganoon pala!"sarcastic na sabi ko sa pinsan ko at nag-cross arms pa ko.



"Saka Julia NEVER akong magkakagusto sa mga lalaking ganoon ang Ugali, Hindi kaya ng sikmura kong magkagusto sa mga mayayabang na tulad niya!"
hayag ko sa pinsan ko tapos tumawa naman si Julia sa akin.

"Bakit sikmura mo ba ang titibok at magmamahal?"sabi ni Julia habang natatawa kaya naman sinamaan ko siya ng tingin lalo, Nag-hands up siya at bumuntong hininga.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!