For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter 2: High School Days are Over

"Sigurado ka na ba sa course mo, Frelly?" Tanong ko sa kanya habang busy siya sa pagsusulat ng letter.

"Hello! Nakikinig ka ba, Frelly?" Tanong ko ulit. She sighed and stopped writing.

"Ewan ko ba, Ash. Ayoko kasi talaga ng course na gusto nila para sa akin eh." Frelia replied.

"Ba't kasi ayaw mong sabihin sa nanay mo? Ang dali-dali lang eh."

"Kasi nga, yung gusto kong course, wala dito sa Pilipinas."

Napatawa ako doon.

"Anong kukunin mo, aber?" Tanong ko ulit.

"Tourism, no choice eh." She replied sadly habang inaayos niya ang short hair ko.

"Hoy, kayong mag-ina! Tara na, simula na ng marching." Stella announced.

We went out the room at dumiretso sa pila ng mga ka-batch namin na rarampa na. Mamimiss ko sila ng bongga. Akalain mo yun? Sa 4 years naming pagsasama, sino ba namang hindi makakamiss doon?

"Hulaan mo kung sino ako." Someone covered my eyes with a deep voice.

"Ok, tama na Kent. Alam kong ikaw yan." I elbowed his stomach and faced him. He was laughing!

"Grabe naman ito. Hindi mo ba ako mamimiss?" Tanong niya na may halong tawa.

"Hindi at huwag ka nang umasa pa na mamimiss kita. Pilingero!!" Sagot ko. Here's the deal. Si Kent ang natatanging higschool crush ko since 1st year pero crush lang iyon! Wala lang iyon... Syempre, alam niya kaya nagpipiling palagi.

"Ayiee, nagbabalik ang love team ng bayan." Kiliti sa akin ni Erika sa tagiliran. I didn't laugh kasi wala naman akong kiliti roon eh... at alam niya iyon... hehe...

"Huwag kang ganyan, Eri. Nagseselos ako." Biglang sumulpot si Stella. Napatawa ako. May past kasi sila ni Kent.... Hep-hep... hindi naging sila... M.U lang naman!

"Huwag kang mag-alala, Stells. Manhid iyang si Ash." Sumulpot si Stephanie.

"Paneng naman..." Reklamo ko. Tumawa lang sila. Magsasalita pa ulit sana ako but the music started and naglalakad na ang may mga surname na nagsisimula sa A.

(end of graduation)

"Totoo bang aalis ka na dito sa Cavite bukas at pupunta na sa Manila?" Tanong sa akin ni Jake.

"Oo, gusto mo hanapan kita ng chicks?" Biro ko. He pinched my cheeks.

"Iiwan mo na kami. Ang daya mo talaga. Iiwan mo na ang kuya mo." He said.

"And one more thing, hindi ko na kailangan ng chicks. Isa lang talaga ang laman ng puso ko." Dagdag niya pa. Binatukan ko nga.

"Aray!" Sigaw niya. Tumawa naman ako. "Hindi ka maliligawan niyan, sige." Takot niya sa akin. I glared at him.

"Eto naman, hindi mabiro." Tapik niya sa likod ko.

"Hmph! Bahala ka nga dyan." Tinarayan ko siya with my arms crossed at sakto naman ang dating ng powerpuff girls...

"Hoy, inaabuso mo na naman ang little sis mo ha... Isusumbong ka namin kay Steph." Stells told him.

Napalingon si Jake sa likod niya and what a view! BOOM! Kung ako si Jake, siguradong pinatay ko na ang sarili ko. Well, Stephanie finally answered Sean's proposal. Teka lang, hindi kasal ha. I'm just saying na sila na finally! We should celebrate for her kaya lang nakita ko ang lungkot sa mga mata ng best friend kong si Jake.

Make me Fall in Love AgainBasahin ang storyang ito ng LIBRE!