Chapter 13 *Let's stop this*

121 2 0

Chapter 13

*Let's stop this*

Sunday morning, galing kami sa church nila Mommy. Kakauwi lang namin, nagbibihis ako nang biglang nalaglag yung picture frame namin ni Renz. Sabi nila pag ganun daw, may mangyayaring masama. Pero di dapat ako maniwala

Mag gagabi na pero hanggang ngayon di parin nagpaparamdam sakin si Renz. Baka walang load? Pero pag wala namang load yun, nakikitext siya eh. Ano kaya nangyari dun? Baka naman napagod kagabi? Nagpaalam ako kila mommy, sabi ko pupunta lang ako kila Renz sandali.

Pagkapunta ko sa bahay nila, di ko siya naabutan. Sabi ng mommy niya umalis daw. At mukha nga daw problemado si Renz, nagaaalala na ko sakanya.

*Beep*

From: Baby

Franz, we need to talk. Meet me, nandito ko sa park.

Nakaramdam ako ng kaba. Mukhang importante at seryoso siya. Pumunta agad ako sa park para puntahan siya. Nakita ko kagad siya, nasa swing siya magisa..

"Renz, ano ba. Namiss kita, di ka manlang nagpaparamdam. Nagpunta ko sa inyo pero wala k--"

"Franz, let's stop this."

"Stop? Ang alin?"

"Eto. Etong relasyon natin. Look mahal kita pero kailangan natin tong gawin."

"Hahaha Renz, wag ka nga magjoke. Di magandang biro yan."

"Mukha ba kong nagbibiro Franz? Sa itsura kong to? Seryoso ako."

Unti unti nang bumabagsak ang luha ko. 

"Pero Renz. Sabi mo mahal mo ko, diba kagabi masaya pa tayo. Eto pa nga yung ring na binigay mo eh, sabi mo hanggang nasa akin to, matatag parin tayo."

"Kagabi yun. Intindihin mo ko Franz, itigil na natin to."

"Renz sabi mo di mo ko iiwan. Sabi mo mahal na mahal mo ko pero bakit mo to ginagawa? Diba nga gusto mo magtagal tayo. Renz naman kaka-one month lang natin kahapon."

"Totoo lahat ng sinabi ko kagabi, mahal na mahal kita pero pag ipinagpatuloy pa natin to, masasaktan ka lang."

"Anong masasaktan ang pinagsasabi mo? Bakit ako masasaktan? Diba nangako ka na di mo ko sasaktan. Alam kong di mo magagawa yun. Renz mahal na mahal kita." Patuloy parin akong umiiyak, humahagulgol na ko dito.

"Franz mas okay pang magbestfriend na ulit tayo, mas tatatag ang relasyon natin pag ganun."

"Siguro may babae ka no? Siguro pinuntahan mo yung babae mo kagabi nung umuwi ka na. Sana pala di nalang kita sinagot edi sana hanggang ngayon magbestfriend parin tayo at walang prinoproblema."

"Siguro nga. Siguro kung magbestfriend parin tayo masaya parin tayo. Franz, let's stop this. Ayokong masaktan at mahirapan ka, siguro dapat di na muna tayo magusap ngayon at kung pwede lang iwasan mo na ko."

"Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan ngayon sa mga pinagsasabi mo? Ang sakit Renz" Nagsasalita pa ko pero tinalikuran na agad niya ako, iniwanan niya akong luhaan. Ang sakit sakit. 

"Ang sakit Renz. Syinota mo ako, ako na bestfriend mo syinota mo pero iiwan mo nalang basta. Ang sakit Renz, ang sakit." Sigaw ko sakanya pero di parin niya ako nililingon. Patuloy parin akong umiiyak at hanggang ngayon di ko malaman ang dahilan kung bakit niya ito ginawa.

[RENZ'S POV]

Hindi madali ang ginawa kong desisyon. Ang sakit para sakin na nakikita ko si Franz na umiiyak at nagmamakaawa sa harap ko pero para sakanya din naman to kaya ko to ginagawa. Balang araw maiintindihan niya din.

*flashback*

Hindi ako makatulog sa usapan namin ni James kanina. Siguro kailangan ko siyang sundin para sa ikakabuti ni Franz, dahil mahal ko siya kailangan kong tiisin lahat. Gusto ko siyang ipaglaban pero di ko alam kung papaano dahil buhay ni Franz ang nakalaan dito. Mas di ko kakayanin kung di ko na makikita si Franz habang buhay. Tinext ko si James

"Sige James. Pumapayag na ako sa gusto mo. But promise me one thing, promise me na kapag ginawa ko to di niyo na gagambalain pa si Franz. Parang awa niyo na James, gagawin ko lahat wag niyo lang idamay dito si Franz"

"Oo pare, di namin gagalawin mahal mo. Bukas pumunta ka sa tambayan namin, simula bukas kasali ka na sa frat at kailangan ka namin binyagan"

*end of flashback*

Hindi ako makatulog dahil sa desisyon na binitawan ko. Kailangan kong panindigan to. Kailangan kong tiisin lahat ng sakit para kay Franz. Sa totoo lang gusto kong magsorry kay Franz, gusto kong sabihin yung tunay na dahilan pero hindi pwede. Ayokong magaalala siya 

[FRANZ'S POV]

Kailangan kong maging matatag. Jusko lalaki lang yan, siguro nga tama siya na mas ok pa na magbestfriend nalang ulit kami pero hindi eh, until now I'm still holding to his promise. Yung promise niya na hindi niya ako iiwan, na ako lang ang babaeng mamahalin niya. Bakit kailangan pa niya magpromise sakin kung hindi naman niya tutuparin. Ganyan ba talaga ang mga lalaki? Yung papaasahin kaming mga babae.

Matutulog nalang ako, may pasok pa kami bukas. Panigurado makikita ko si Renz bukas baka sakaling bawiin niya lahat ng mga sinabi niya sakin kanina. Alam kong di niya sakin magagawa yun at kilala ko si Renz, di siya ganung klaseng lalaki.

--

1 week na ang nakalipas pero hanggang ngayon di ko parin nakikita si Renz at di siya pumapasok. Nagpupunta ko sa bahay nila pero sabi naman ng mommy niya lagi naman daw pumapasok si Renz. Namimiss ko na siya, namimiss ko na ang bestfriend ko.

Pauwi na ko ngayon. Nagpasiya ako na di sumabay sa service ko dahil mas feel ko ang maglakad. Napadaan ako sa park, nakita ko si Renz doon. Ang dami niyang kasamang lalaki na nagyoyosi. Nilapitan ko siya

"Renz, bakit di ka na pumapasok? Ano ba nangyayari sayo?"

"Wala." 

"Meron kang hindi sinasabi sakin"

"Wala kong dapat sabihin"

"Anong wala? Bakit palagi kang absent? Bakit palagi kang umiiwas at hindi nagrereply sa mga text ko?"

Bigla siya lumayo sakin, hinabol ko siya. Ang laki ng pinagbago niya, sinusungitan na niya ako. Tsaka iba amoy niya ngayon, iba na porma niya. Amoy yosi na siya at mukhang naimplewensyahan siya ng mga kasama niya.

"Hoy! Kayo! Kayong mga lalaki kayo. Wala ba kayong magawa sa buhay niyo para idamay pa si Renz sa mga kalokohan niyo?" Sinigawan ko yung mga kasama ni Renz pero..

"Ano na Franz, bakit ka nandito? Hayaan mo nga ako. Ginusto ko to."

"Yan? Yan ba ang gusto mo? Yung mapariwa yang buhay mo. Alam mo ang swerte mo pa nga e, dahil matapos mo kong iwan sa ere nandito parin ako sayo nagaalala dahil bestfriend parin ang turing ko sayo."

Tinulak niya ako. "Umalis ka na nga dito Franz. Umuwi ka na"

--

A/N: Familiar po ba itong story na ito sa inyo? Yung mga nakakaalam, tama po nasa isip niyo. Kumuha po ako ng idea sa story ni Marcelo Santos III kasi sobrang nakakarelate yung story niyang 'TEXT' sa  story ko. Sa totoo lang po naiiyak po ako habang ginagawa ko itong story na to. Haha  Matatapos na rin po siguro itong Bestfriend Slash Boyfriend. Yun lang po. Salamat po. Mahal ko po kayo :) Keep voting and comment lang po kayo. Wag po kayo mahiyang mag suggest :) Suggest lang po kayo at isisingit ko po sa story :) Thankyou po ulit. Godbless

-Shaii

Bestfriend Slash BoyfriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!