Chapter 3

21 2 0

Chapter 3

Tarra's POV

Almost 10 hours na byahe. Define haggardness. Tss. Kapagod! Sa wakas nasa Manila na kami. 

Kasama ko si mommy lumuwas ng Manila. Makikipagkita kami kay kuya Ciro, sasamahan n'ya kasi kami sa University of Chorvanes and the Eklavou. Para magpasa ng requirements at entrance exam na din. :)

Feel na feel ko na, college is approaching! Good bye highschool na! :D

*Kruu *Kruuu. 

Nagugutom na ko. (-.-)

Ang tagal ni kuya Ciro, inaantay namin sya. Gusto kasi ni mommy, pagdating ni kuya Ciro saka kami kakain. Alam n'yo naman si mommy, sobrang sweet yan sa'men ni kuya Ciro.

Si kuya Ciro nga pala 'yung namamahala ng mga business nila mommy at daddy dito sa Manila. Minsan lang s'ya umuwi sa Ilocos.

Naiinip ako, nagmasid nalang ako sa paligid. Ibang iba na pala ang Manila. Noong bata pa 'ko ang linis pa ng paligid, pero ngayon ang kalat na at sobrang daming sasakyan kaya naman sobrang traffic din. 

Kawawa naman pala ang kuya Ciro n'ya, puro usok ang nalalasap.

Haay! Eto ang kakaharapin ko, air pollution! Mamimiss ko ang buhay sa Ilocos (>.<)

Mayamaya dumating na rin si kuya Ciro. At umorder na din kami ng makakain. Wala namang masyadong napagusapan, kumustahan lang. Napansin ko na parang pagod sya, at namayat. Siguro sobrang busy nito sa negosyo nila. 

Pagkatapos kumain, punta na kami ng University of Chorvanes and the Eklavou. Ang ganda ng school na papasukan n'ya. Ang linis pa ng paligid. Eh pano naman di magiging malinis at maganda, sobrang mahal kaya ng tuition dito. (-,-)

Nakapag pasa na s'ya ng mga requirements, Nag-exam na din, then interview. Mag-mail nalang daw sila sa''ken pag pasado. 

Pagkatapos asikasuhin yung mga school stuffs, may pupuntahan daw kami, siguro papakita nila sa'ken kung saan ang office ni kuya Ciro. Never pa kasi ako nakapunta dun. 

Pagkadating namin, hindi naman mukhang office or something. 

Condominium somewhere in Makati pala. 

Surprise nila saken! Mas lalo tuloy akong naexcite mag college!! :D

Ang ganda ng unit ko. Studio type lang at ang ganda ng interior design :) 

Dito na rin kami natulog ni mommy. bukas nalang kami babalik ng Ilocos. Ang haba kaya ng byahe. 

----

[ Saturday ]

Nakauwi na sila ng Ilocos. 

Naalala n'ya 'yung paanyaya sa kanya ni Mariz. Hindi naman n'ya talaga makakalimutan 'yun dahil araw araw nitong pinapaalala 'yung sinasabi nitong bonding ng section nila. 

Wala nang problema sa daddy n'ya dahil nakapagpaalam na s'ya dito. Pinayagan na s'ya. 

Ayaw nga n'ya magpunta kasi tinatamad s'ya, kaso nakakahiya naman mag back out. Baka sabihan pa s'ya nito na talk shit s'ya. 

"Ugh! Alas kwatro na pala!" Alas singko ang usapan. May isang oras pa s'ya para mag ayos. 

Namili s'ya ng susuutin at agad nagbihis. Simple lang ang suot n'ya, tutal bonding lang naman daw. Wala naman sigurong problema sa suot n'ya. 

Nagpahatid s'ya sa driver nila. 

Nang makarating s'ya sa lugar na sinabi ni Mariz, agad s'yang sinalubong nito. 

"Tarra! I'm glad you came." bungad nito sa kanya nang nakangiti. 

"E nakakahiya naman kung hindi ako pupunta, tsaka ang kulit mo kaya. So ayun." hinawakan siya ni Mariz at inaya papasok sa loob. 

Maganda naman 'yung bahay. Siguro kina Mariz 'to kasi kilala s'ya nung mga kasambahay. 

Nagkalat 'yung mga kaklase nya sa paligid, binabati s'ya at lahat sila nakangiti sa kanya. 

She smiled back at them. 

"Look classmates, our dear Tarra is here!" sabi ni Mariz sa mga kaklase n'ya. 

"Alam mo ba Tarra, matagal ka na naming gustong ayain, saka wala ka kasing friends, at sobrang aloof mo samin." 

"Ah eh, ganun ba. Hehe." di n'ya alam ang sasabihin. 

"Oo ganun nga! Kaya simula ngayon, friends mo na kami, ha? Ang ganda ganda mo pa naman wala kang friends!" 

Mukha naman silang mabait, sige friends lang naman. Okay na rin siguro yun para may mga kaibigan naman s'ya. 

"Sure ba, friends na tayo, Mariz." nginitian n'ya si Mariz. Natutuwa s'ya dito dahil sa nalaman nyang gusto sya nitong maging kaibigan. 

Kahit pala suplada s'ya, may gusto pa ring makipagkaibigan sa kanya.

"Ayan. marunong ka naman palang ngumiti eh. Palagi ka lang ngingiti ha? Sayang ang beauty mo girl." binola pa s'ya nito. 

Pero sabagay, maganda naman talaga s'ya. Hahahaha >:)

Puro kwentuhan at tawanan lang silang lahat. 

Tinukso pa s'ya ng mga kaklase n'ya kay Tomas, kaklase nila na matagal na daw may gusto sa kanya.  Natawa naman sya dahil nahihiya sa kanya si Tomas.  

Nagkantahan sila sa videoke, naglaro ng bingo, at kung anu ano lang kalokohan. 

Natapos ang araw n'ya nang masaya.

Masarap din palang magkaroon ng mga kaibigan. :)

Love or RevengeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!