-10-

-A Denisie-

Nakabalik na kami sa loob ng Sizzling 69 . Hawak hawak parin niya 'yung kamay ko . Ang warm niya , ang sarap sa pakiramdam . Para bang inaassure niya na kaya niya akong protektahan sa pamamagitan lang ng paghawak niya ng kamay ko .

Yes it really sounds weird pero 'yun ang nararamdaman ko.

Hay . Lalo lang akong naguguluhan sa mga pinapakita niya nitong mga nagdaang araw . Isama pa itong kakaibang nararamdaman ko para sakanya .

Ang alam ko lang . Ayoko ng nararamdaman ko ngayon .

Ayoko muna .

Nung nakabalik kami sa table namin andun na din ang barkada . Parang iba ang atmosphere .  Hindi pa rin nag sasalita si Blaise at hawak niya parin ang kamay ko .

Kakausapin ko sana si Lee nung mapansin kong nakabusangot ang mukha niya pero 'di ko ito nagawa kasi bigla nalang siyang umalis na nakakunot parin ang noo .

Ang tahimik . At parang ang awkward . O ako lang 'yun?

''Oh anyare 'dun? '' tanong ko , pangbasag lang sa awkwardness na nararamdaman ko.

Nag shrug lang si Hilary na may nakakalokong ngiti.

Hay kilala ko itong babaeng 'to . Ano na naman kaya ang nangyare sa kanila ni Lee ? . Pinangdilatan ko lang siya ng mata at para asong binigyan lang niya ako ng isang innocent look . Namputs kung hindi ko lang kilala ang bituka't balunbalunan nito at ibang internal organs , kakagat na sana ako sa mabenta niyang maria clara look. Pero hindi , hindi niya ako malilinlang.

Napangiti nalang ako n'ung mapansin kong nakaupo si Nats sa lap ni Nate at naka-ub ob ito sa leeg niya  ^__^ ang kyuuuut *_* .

''Oy makachansing ah ! Napapasarap ! >:D'' biro ko kay Nate na kinamula lang niya .

''Tsssh , ako nga ang sinasamantala nitong lukang to . Kanina pa inuubos yung amoy ko'' tanggi niya tapos biglang iniwas yung tingin niya sakin . Aba't tsulanding haliparot na lalaking to , kinilig pa kay Nats . May emote emote pang nalalamang pag iwas ng tingin .

Si Charles at Chloe naman ayun nakain lang ng sisig . Nag aaway pa .

''Ang takaw mu kasi ! HIndi lang ikaw ang nakain ! TAKAWWWW !!'' sigaw ni Chloe sabay kuha ng kutsara kay Charles .

''Lahat nalang ng kinakain ko inaagaw mo !ANG LAKI NAMAN KASI NG BUNGANGA MU ! '' sigaw ni Charles .

Natigilan si Charles at ang ikinataka ko ay ang sabay na pamumula ng mukha nila .

Ano na naman kayang nangyaring kababalaghan sa dalawang 'to . Sayang di ko na ivideo , pang blackmail ko sana kay Nats , magkakapera pa ako >:) .

Si Jeremy naman nakaupo lang d'un na nakangiti at nakatingin sa kawalan na kala mo'y may iniimagine babaeng nakahubad na naglalap dance sa harap niya . Base sa makahulugan niyang ngiti , sigurado akong may naloko na naman itong babae at naibanyo na agad agad .

Hindi nag laon , nagdesisyon na kaming umuwi at mag aalas dose y media na . Hindi kami masyadong nagtagal dahil may balak manuod ng movie ng mga 'to sa bahay . 'Dun na din sila matutulog .

-Blaise El-

Umuwi na kaming lahat sa bahay ng kambal . Mukha namang nawala na ang awkwardness na kanina lang e umi epal :D.

Napag pasyahan naming d'un na matulog , dahil paniguradong ang iba samin ay may hang over kinabukasan at alam naming maasikaso kami nina yaya Perls  at  manang Henya dahil sunday na bukas .

Torpe siya ( EDITING )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!