Chapter 1

14 0 0

Lahat tayo nangangarap ng true love. Yung feeling na siya na talaga, yung tipong masasabi mong 'this is it"... Pero asa pa ako, ang daming beses ko na kayang nasaktan, well wala namang bago. Sanay na din ako..

Georgi's POV

Ako pala si Georgi Torres, 4th year na ako at nag-aaral ako sa San Pascual National High School. Mayaman ang pamilya ko pero mas gusto ko sa public high school mag-aral. Mas nakakagaan ng loob kahit minsan nakakalimutan ko ang mga responsibilidad ko sa amin. Sa bahay kasi Daddy always talk about business. Wala naman akong hilig dun, pero yun na nga I have no choice kasi naman I am their one and only daughter, Well, unica hija ang drama ko pero okay lang naman, sanay naman akong mag-isa. Ay hindi pala nakalimutan kong sabihin meron nga pala akong bestfriend, brother, pare at kung ano-ano pang inaassociate ko sa kanya.. kasi naman simula ata bata magkasama na kami. Hay naku., Kung alam nya lang. Matagal ko na kasi syang gusto kaso mukhang hindi naman to interesado sakin kasi nga simula bata kami na magkasama.

Andrei's POV

Simula pagkabata, magkasama na kami ni Georgi. Ewan ba peor iba talaga ang pagpapahalaga ko sa kanya. You know what? We have the same birthday, and we are in the same year level. Dahil nga ata lagi kami magkasama magkamukha na kami. hahaha! biro lang. Ako nga pala si Andrei Villareal. Magkapit-bahay kami sa village ni Georgi. Our mothers and fathers are bestfriends during high school. Ang sweet no? Pero wala ng mas sweet pa sa amin ni Georgi. Hahaha! Nangangarap lang. Ito naman kasing isang to, parang walang pakiramdam, Since bata kami, kami na magkasama sino ba namang hindi mahuhulog sa kanya? Maganda, mabait, matalino.  Kaso he doesn't even notice me parang natural lang. Kasi naman sanay na nga kaming parating nandiyan ang isa't-isa. Pareho kami ng school ni Georgi ito naman kasi sa public school pa gustong mag-aral eh kaya naman naming mag-aral sa kahit anong school dito sa Laguna. Hindi ko naman siya pwedeng pabayaan kaya yun dun kami pareho nag-aral.

You Are the OneBasahin ang storyang ito ng LIBRE!