[Jace's POV]

Bakit ba ngayon pa nagkaroon ng traffic dito?! kung kelan naman ikakasal na ko oh!

Baka maunahan pa ko ni Vienne sa simbahan! narinig kong nagriring yung phone ko. pagitngin ko ay si Vienne ang tumatawag. Lagot na!

sinagot ko agad yun.

"NASAN KA NA BA?!" sigaw nito sakin pagsagot ko ng phone.

"Malapit na ko. Na-traffic lang ng konti."

"Siguraduhin mong dadating ka dito kung ayaw mong kalbuhin kita! hmp!"

"Nasa simbahan ka na?"

"OO! MGA FIVE MINUTES NA! NAKAKAHIYA! NAUNA PA KO SAYO!"

"Shit! Sandali lang! Nanjan na ko."

binitawan ko na yung phone ko saka hinagis sa passenger seat. walang isip-isip na lumabas na ko ng kotse ko at tinakbo ang daan papuntang simbahan. Hindi ko na pinansin ang mga businang naririnig ko. basta ang mahalaga ngayon ay makarating ako agad sa kasal ko.

[Vienne's POV]

Nasan na ba si Jace?! nakakaasar naman! katagal-tagal! nauna pa ko dito sa simbahan! buti na lang immediate family membert lang saka si Clay at Andrea yung nandito. kung hindi ay tatakbo na talaga ko sa kahihiyan.

teka bakit nga ba konti lang yung inimbitahan? Tapos di pa namin pwede ipagsabi kasi baka daw maging peryahan yung kasal namin? nakakapagtaka naman.

"DADDY!" narinig kong sigaw ni baby Jaiden.

at ang lalaking pakakasalan ko ay nakita ko na. grabe parang nawala yung asar ko kanina. ang gwapo! HAHAHA!

sinenyasan ko yung choir na patugtugin na yung wedding march song.hahaha.. Si Jace naman ay parang slo-mo na naglalakad sa altar.

Yes. He's walking down the aisle at ako naman ang nakatayo dun sa may altar na naghihintay.

Nakakatawa yung itsura ni Jace. Parang nangingiwi na natatawa. Tsk!

Nakalapit na ito sa akin.

hinawakan nito ang kamay ko.

"I'm sorry I'm late. Let's do it right okay?" sabi nito sakin.

tumango na lang ako.

patalikod na sana ko para pumunta sa may entrance ng simbahan ng bigla akong hawakan ni Jace sa braso at biglang hinalikan sa pisngi. at dahil nga di na ko virgin na ikakasal kaya hindi na nakaharang ung belo sa muha ko. hahaha.

"Magnanakaw ng halik." bulong ko dito.

"Magnanakaw ka naman ng puso." sabi ni Jace sabay ngisi.

yunng lang at bumalik na ko sa pinanggalingan ko kanina at itinuloy na nmin ang kasalan.

I Didn't Mean To Make You MineBasahin ang storyang ito ng LIBRE!